Pages

Thursday 29 December 2011

Taytel

     Eto lang yung nagpapahirap sa akin magblog eh, yung mag-iisip ng title. Yung isusulat naman kusa na yun lumalabas sa isip ko habang nagsusulat. Yung title yung mahirap dahil kadalasan walang specific topic ang sinusulat ko. Anyway, bago pa makapag-skip nanaman ng isang araw na walang update ang blog na to ay magsusulat na ako. Hmm, ano ba?

     Di ko maitatanggi, miss na miss ko na sya at alam kong miss na miss na nya ako. Talagang may mga tao lang na pumipigil eh. Hahay. Ang hirap ng buhay. Kung kelan ka masaya kokontrahin ka pa. Kelan pa ba ako magiging malaya magmahal ng gusto kong mahalin na walang kokontra?

     Okay, bigla akong nahinto. Biglang natulala. Ay, wala. Wag na lang. Lecheng iPhone 4S yan eh bakit pa kasi lumalabas labas. Haha! Mag-iipon ako. Pag nakapag-ipon na ako, baka iPhone 6S na yung lumabas. hahaha, tapos transparent na yung phone, wala ka ng makikita. Haha joke lang! Wala na sa akin yun kung hindi na ako magkaroon nyan, sya pa lang kumpleto na buhay ko. ^_^

     Lapit na New Year!!.. wala na akong masabi.. antok na.

No comments:

Post a Comment