Pages

Saturday 24 December 2011

Maligayang Pasko :)

     Less than 1 hour na lang at Pasko na. Masasabi kong maligayang malungkot ang aking pasko sa kadahilanang di ko sya kasama. :( Masaya dahil matatapos ang taong ito na binigay sya ni Lord sa akin. hehe. Sorry inlab lang ako. Kanya kanyang trip yan walang basagan ng trip ok? Hmm, naisip ko din na magblog na ng magblog kasi kung totoo man yung judgment day sa December 2012, at least nakapag-blog ako ng 1 year at mababasa pa to ng mga alien kung sakali. Hahaha.. kung saan saan na napunta ang utak ko. :D

     Anyway, eto mag-isa lang ako sa sala kasi tulog na sila.. dahil sa BV ako mula kagabi late na ako bumangon kanina.. mga 1:30 or 2pm na ata ako bumangon. Tiniis ko ang init ng kwarto, wala pa naman aircon. Haha!.. Bahala na basta di ko lang muna sila makita lalo lang ako mababadtrip. Kaya eto ako ngayon gising na gising. Buti na lang maya't maya tumatawag si bf, at nawawala naman ang lungkot ko. Miss na miss ko na sya kung alam nya lang. Hihihi drama ko. haha!

     10 days to go bago magkaka-alaman ang lahat. Parang judgement day lang noh? Haha.

[ano ba yun akala ko may ipis, kamay ko lang pala.. nagulat naman ako. hahaha!]

     Anyway, parang judgement day nga. Haha.. D: Basta, alam kong di ako iiwan ni Lord. 2012 will be the best year for me, for us. Kaya ko ito! Titiisin ko lahat for the better. Weeee!! Daming fireworks sa labas gusto ko lumabas at tingnan sa rooftop kaso tulog na sina mama baka pagalitan ako. Hahay..

     Merry Christmas!..

No comments:

Post a Comment