Pages

Friday 30 December 2011

I'd rather spend the Holidays with you Panda Bear

     Why? Eh kasi naman, alam mo yun.. buong panahon ng Christmas and hanggang ngayong 1 day more to go eh New Year na.. eh nasa bahay lang ako.. What the F? diba? Pwedeng pwede naman ako lumabas kung wala lang kumukontra. Well, as usual talagang may kokontra. Tapos sila pa may gana magreklamo na hindi kami nakakapasyal. KJ kasi eh. Nakakabadtrip lang.

     Lagi kong inuulit sa mga entries ko na pwede naman maging madali ang buhay. Chillax lang. Pag may problema, ayusin ng mahinahon hindi yung sasabog ka na parang Goodbye Philippines o Goodbye Earth or whatever ang tawag sa malalakas na firecracker na yan. Siguro kaya din aburido lagi sa buhay eh kasi ganun ang attitude. Siguro kung babaguhin lang yun, napakasarap mabuhay. Diba? Pero wala eh puro na lang galit dito, inis doon, yawyaw dito, parinig doon. Ay ewan ko na lang!..

     Namimiss ko na sya lalo. Lahat nagagawa ko pag kasama ko sya. Syempre, hindi naman ako tanga para hindi malaman ang limitations ko diba? For God's sake, I'm 19 years old and I think like a 30-year old. Oo bunso ako and only girl, pero hindi naman yun ang dahilan para maging ganun sila. Sa buhay, pag oras mo na, oras mo na. Jusko. Okay, hindi ako high blood. Kaya nga nagsusulat dahil channel ko ito. Dito ko nilalabas lahat. Anyway, yun nga. Kaya hindi ako natututo sa buhay kasi puro na lang ako asa ng asa. Tapos sila din naman nagrereklamo na puro ako asa sa kanila. Ang gulo diba?

     So, to sum it all up, I'd rather spend the holidays with him pero sa kasamaang palad, hindi ko magagawa yun this year dahil sa mga taong kill joy. Ok naman sana makisama ako sa mga tao dito kung hindi lang sila KJ. Okay. Wala tayong magagawa sa mga matataas ang PRIDE, Makitid ang utak at KJ.

     Sorry, nega nanaman ang post na ito. Just releasing negative energy. Haha. :) Sige smile na ako.

Gusto ko nga pala i-post ito, nakita ko lang sa Tumblr.. :) ang ganda kasi. :)



JMP.04

Thursday 29 December 2011

Taytel

     Eto lang yung nagpapahirap sa akin magblog eh, yung mag-iisip ng title. Yung isusulat naman kusa na yun lumalabas sa isip ko habang nagsusulat. Yung title yung mahirap dahil kadalasan walang specific topic ang sinusulat ko. Anyway, bago pa makapag-skip nanaman ng isang araw na walang update ang blog na to ay magsusulat na ako. Hmm, ano ba?

     Di ko maitatanggi, miss na miss ko na sya at alam kong miss na miss na nya ako. Talagang may mga tao lang na pumipigil eh. Hahay. Ang hirap ng buhay. Kung kelan ka masaya kokontrahin ka pa. Kelan pa ba ako magiging malaya magmahal ng gusto kong mahalin na walang kokontra?

     Okay, bigla akong nahinto. Biglang natulala. Ay, wala. Wag na lang. Lecheng iPhone 4S yan eh bakit pa kasi lumalabas labas. Haha! Mag-iipon ako. Pag nakapag-ipon na ako, baka iPhone 6S na yung lumabas. hahaha, tapos transparent na yung phone, wala ka ng makikita. Haha joke lang! Wala na sa akin yun kung hindi na ako magkaroon nyan, sya pa lang kumpleto na buhay ko. ^_^

     Lapit na New Year!!.. wala na akong masabi.. antok na.

Tuesday 27 December 2011

Keep Holding On



Note: Paki-play po ng video and sundan ang lyrics sa baba ng video na ito.. Whatever is bold and colored, I'm stressing the meaning out. Bear with me. hehehe.. :)

You're not alone
Together we stand
I'll be by your side, you know I'll take your hand
When it gets cold
And it feels like the end
There's no place to go
You know I won't give in
No I won't give in


Keep holding on
'Cause you know we'll make it through, we'll make it through
Just stay strong
'Cause you know I'm here for you, I'm here for you
There's nothing you could say
Nothing you could do
There's no other way when it comes to the truth
So keep holding on
'Cause you know we'll make it through, we'll make it through


So far away
I wish you were here <3 <3 <3
Before it's too late, this could all disappear
Before the doors close
And it comes to an end
With you by my side I will fight and defend
I'll fight and defend
Yeah, yeah


Keep holding on
'Cause you know we'll make it through, we'll make it through
Just stay strong
'Cause you know I'm here for you, I'm here for you
There's nothing you could say
Nothing you could do
There's no other way when it comes to the truth
So keep holding on
'Cause you know we'll make it through, we'll make it through


Hear me when I say, when I say I believe
Nothing's gonna change, NOTHINGS GONNA CHANGE DESTINY
Whatever's meant to be will work out perfectly
Yeah, yeah, yeah, yeah
La da da da
La da da da
La da da da da da da da da
Keep holding on
'Cause you know we'll make it through, we'll make it through
Just stay strong
'Cause you know I'm here for you, I'm here for you
There's nothing you could say
Nothing you could do
There's no other way when it comes to the truth
So keep holding on
'Cause you know we'll make it through, we'll make it through


Keep holding on
Keep holding on
There's nothing you could say
Nothing you could do
There's no other way when it comes to the truth
So keep holding on
'Cause you know we'll make it through, we'll make it through


I am missing you so bad baby..

SAD YUNG PANDA OH.. :(


I LOVE YOU SO MUCH!!! HIHIHI!

Sunday 25 December 2011

Love Love Love

     Okay, hmmm, may party mamaya at di ko alam kung may videoke o wala. badtrip naman oh. Ikaw ba naman mabuhay sa paligid ng mga Kill Joy. Alam mo yun?.. Pwede naman maging madali ang buhay eh, di ko alam kung bakit pinapahirapan nila ang sarili nila.
     Hahay, puro na lang ako "hahay".. Wala na bang ibang word na mas magpapa-emphasize ng nararamdaman ko ngayon. Okay ako na madada mula kahapon. Wala lang ako kausap kaya pagtatyagaan ko na lang kausapin itong blog na ito. Dito ko na ibubuhos lahat ng nararamdaman at naiisip ko. Mula ngayon araw araw na to may entry. Kailangan? Hindi naman. Dahil yun lang talaga ang gusto kong gawin. Magsulat ng magsulat. Alam ko minsan wala na itong sense at medyo karamihan bitterness pero wag kayong mag-alala dahil hindi naman lahat ng posts dito bitter tulad na lang ng mga english posts ko. Haha. Talagang tinamad lang ako mag-english dahil masyadong limited ang mga nasasabi ko. Naiinggit lang ako sa ibang mga blogs na nakakapag-blog ng marami at araw araw dahil tagalog ang blog nila. Nasasabi nila lahat ng gusto nilang sabihihin dahil sulat lang sila ng sulat. Ako naman, pag english eh kailangan ko pa magformulate ng isang magandang sentence na tama ang grammar.

     Madada na kung madada. Madaldal ako ngayon. Magbasa na lang kayo. Haha. Teka wala akong topic.

     Topic: Love?

     Oh, love nanaman ba. Talagang ganun lang talaga kasi ang buhay, pagdating sa love love na yan eh. Hindi lahat ng tao sa paligid mo tatanggapin ka. Pero kagabi lang naisip ko na yung mga taong bitter dati eh magbabago din pala. Kaya pala sila bitter eh dahil hindi ka nila naiintindihan. May mga taong nagiging bitter dahil hindi nila alam ang tunay na nangyayari sa buhay mo at wala silang interest na pakinggan ang side mo. Naku napaka-bitter ng ganun ah. Pero meron din mga tao na willing din naman pakinggan ang side mo at ayun PAK! naintindihan na nila. Oh diba, effective ang maayos na komunikasyon. Haha!,, Akala ng ibang tao eh nanloloko ka, or niloloko ka pero kahit alam mo sa sarili mo na tama ka at totoo ka ipaglalaban mo ito.

     Yun lang. Buti na lang medyo nagiging ok na ang lahat. Sana lang pati sa family ko. Yun na lang ang hinihiling ko kay Lord eh yung maging malaya ako. Yun na ang magiging best Xmas gift ko ngayong taon.

Hour Past 12

     Okay, tapos na ang mga greetings. Ako ay matutulog na.. Hay salamat at dinalaw din ako ng antok.. sa wakas!... :) Nakausap ko na ang dapat kausapin ako ay hihimlay na sa aking crib. :D
Hmmm, di ko alam kung maraming magbabasa nito pero sana konti lang. Salamat sa pagbabasa, nawa'y patuloy kayong matuwa sa mga pinagsusulat ko at sa mga isusulat ko pa in the future. Wala lang akong magawa kaya blog na lang ng blog. Busog na rin ako kaya antok na. Ang dami daming pagkain sa ref ngayon at sa dining table. Puno na ang ref kaya nasa dining table na ang ibang food. Pati dining table puno na rin. Toink.

     Sana maging malaya na ako sa darating na taong 2012. Ayoko na talaga dito. Gusto ko na umalis dito. :D

     Good night. :)

Buko PANDAn

Okay dahil wala akong magawa at medyo inaantok na ako aaliwin ko muna ang sarili ko sa pamamagitan ng pagsusulat. Since may wifi naman dito eh lulubusin ko na. Nakainom na din ako 1 bottle lang naman ng san mig. Wala. Wala lang akong gana. Meron akong namimiss. Sya lang naman ang kukumpleto sa pasko ko. Alam na nya kung sino sya.

O nga pala, Buko Pandan nga pala ang title ng blog ko. Kasi naman favorite ko yung buko pandan. Bukod sa Pandan yun eh Pandan yun. Tanggalin mo yung "n" PANDA na. Mas lalo ko sya namiss. Ang galing ko naman ngayon ko lang din naisip yung panda at pandan. Haha!!.. Alam kong mababasa nya ito. Matutuwa yun.

Tapos, ano pa ba. Natuwa naman ako sa Panda. Pero yung P sa JMP sa taas ng blog na ito hindi Panda yun. Hehehe. Ang kulit lang.

Balon ka ba?..

Bakit?..

Kasi hulog na hulog na ako sayo..

Katetext nya lang sa akin nyan. Narinig ko na yan pero kinikilig pa din ako. It's the thought that counts. Hehe. Sweet noh? Alam kong hindi lahat ng nagbabasa nito makakapag appreciate pero iba kasi pag inlove ka, lahat ng magagandang bagay kahit gaano man ito kaliit eh maaapreciate mo. Ang saya diba? Ang simple lang ng buhay. Bakit kailangan mo pa gawing complicated? Diba? Diba? Diba? :))

Di ko na alam kung paano ko ito tatapusin, basta.... Basta. Hehehe. Naalala ko tuloy yung puppet. Everytime na makakita ako ng stuffed toy na kahit ano lagot sya lagi dahil ipapavoice over ko nanaman sya hehe.

Anyway, ano pa ba. Yan na lang muna sa ngayon. :)

Saturday 24 December 2011

Maligayang Pasko :)

     Less than 1 hour na lang at Pasko na. Masasabi kong maligayang malungkot ang aking pasko sa kadahilanang di ko sya kasama. :( Masaya dahil matatapos ang taong ito na binigay sya ni Lord sa akin. hehe. Sorry inlab lang ako. Kanya kanyang trip yan walang basagan ng trip ok? Hmm, naisip ko din na magblog na ng magblog kasi kung totoo man yung judgment day sa December 2012, at least nakapag-blog ako ng 1 year at mababasa pa to ng mga alien kung sakali. Hahaha.. kung saan saan na napunta ang utak ko. :D

     Anyway, eto mag-isa lang ako sa sala kasi tulog na sila.. dahil sa BV ako mula kagabi late na ako bumangon kanina.. mga 1:30 or 2pm na ata ako bumangon. Tiniis ko ang init ng kwarto, wala pa naman aircon. Haha!.. Bahala na basta di ko lang muna sila makita lalo lang ako mababadtrip. Kaya eto ako ngayon gising na gising. Buti na lang maya't maya tumatawag si bf, at nawawala naman ang lungkot ko. Miss na miss ko na sya kung alam nya lang. Hihihi drama ko. haha!

     10 days to go bago magkaka-alaman ang lahat. Parang judgement day lang noh? Haha.

[ano ba yun akala ko may ipis, kamay ko lang pala.. nagulat naman ako. hahaha!]

     Anyway, parang judgement day nga. Haha.. D: Basta, alam kong di ako iiwan ni Lord. 2012 will be the best year for me, for us. Kaya ko ito! Titiisin ko lahat for the better. Weeee!! Daming fireworks sa labas gusto ko lumabas at tingnan sa rooftop kaso tulog na sina mama baka pagalitan ako. Hahay..

     Merry Christmas!..

Thursday 22 December 2011

ANO?

 Dahil magaling magtagalog si bf, magtatagalog na ako sa blog ko. hahaha!!.. :D isang makatang taon sa inyong lahat. Bow. :D