Pages

Showing posts with label love. Show all posts
Showing posts with label love. Show all posts

Thursday, 25 July 2013

S'mores


Okay, I got this picture from google. That is called S'mores from The Iscreamist. An ice cream (i think) store somewhere in East Diliman, QC.

First of all, I have no idea what that tastes like. I've been searching it on google since yesterday and it's basically grahams, chocolate and marshmallows. I don't know what that smoke is called but reviewers say that it is very cold.

I got the address of the store and I'll drop by tomorrow to try that.  Haha! Pretty cool huh.

Have you tried it? Is it addicting?.. 

I must say from the way it looks, its yummy! :)

You might want to try it too. 😊

Nikki Gil and Billy Crawford Breakup



Felt so sad. I thought everything between them was never ending. Nakakagulat sa totoo lang. Fan na fan ako ng relationship nila. Yung feeling na, pati ikaw nararamdaman mo na akala mo perfect na, akala mo ok na ang lahat tapos matatapos lang din sa wala. Wala pa silang sinasabing rason as of now and Nikki isn't ready to talk about it yet.

They are a cute couple diba? Who would have thought na ilang taon din ang inabot nila then mahihinto din. Everything seemed.... perfect. Sayang.

Well, life goes on. Let's just be happy for them kung yun ang magpapalaya sa kanilang kalooban. Sometimes, yung mga akala nating totoo na, it's not meant to be pala. If you are not for each other talaga, then hindi kayo magkakatuluyan pero sabi nga nila, kung kayo, kayo talaga and destiny will always find a way for the both of you to end up with each other.

Let's move on even if this news is quite shocking, well, if you have been a witness of their love when they were still in a relationship.

I still love them both. Great artists!

Wednesday, 24 October 2012

Sakit (Poem)

Bakit ang sakit?
Maalala ang iyong yakap na mahigpit
Malayo ka man o malapit
Di ako ang iyong gustong makamit

Isang panaginip lang
Pag gising ko'y binabanggit ay "Sayang"
Ika'y sa akin nag-aabang
Masaya tayo at para bang wala ng kulang

Wala na akong magawa
Kundi ang mag-emote sa mga kanta
Lagi na lang tulala
Ang pagiging ganito ba ay masama?

Mga ilang buwan na din
Hindi pa maalis sa akin
Mga masasayang ala-ala natin
May balak pa ba ngayong ayusin?

Mapapawi din itong sakit
Mawawala lahat ng tanong na "Bakit?"
Wag ka sana sa akin lumapit
At baka ako pa ay manakit
Sa pagkatao mong napakapait

-------

wala na akong maisip na i-rhyme.
one shot. on the spot.

sana magustuhan nyo. :)

Blogging World/Pagsusulat

Hindi ko man napapansin pero ang sarap pala magsulat kada matatapos maligo. Haha!
Kasi fresh na fresh ang utak ko sa mga bagay bagay na nanyari sa buong araw o sa mga bagay bagay na bigla ko lang naiisip.
Sige na enough of that "bagay bagay" dahil nahahalata na akong walang ibang maisip na salita. LOL!

Napagpasyahan kong pagtuunan din ng pansin ang pagsusulat ko dito sa blog at sa mga forums lalo na sa TCaf.
Malaki utang na loob ko sa Tcaf. Hindi sana magtampo ang blogger pero dahil sa TCaf, mas ginusto kong magsulat at magsulat pa. Bumalik na yung kaadikan ko sa pagba-blog. I posted an entry sa site na yun and within 2 hours lang meron ng 200+ views and 30+ comments. Tapos sa ngayon meron na syang 277 views and 62 comments. First time nanyari yun sa buhay ko. Maraming good feedbacks, maraming reactions, mapa-negative man o positive, I deeply appreciate it. It only means na may sense ang mga sinusulat ko, dito kasi sa blogger, parang nilalangaw ang mga blogs ko. Nahihirapan akong maghanap ng mga readers. I don't know kung nakatulong pa nga  ba yung ginawa kong facebook page para lang maipamahagi ko sa mga friends ko and other people ang mga sinusulat ko.
I'm not a fame whore. Yes, I ask people from facebook and twitter to like my page and read my blogs, pero the only reason behind that is I want to know what other people think about my entries.
Siguro medyo kulang pa ako sa self-esteem pagdating sa pagsusulat kaya kailangan ko ng mga readers. :))
I want to improve.

Ayun, ang dami ko na palang sinabi.

Kasalukuyang umuulan ngayon.

Patak ng ulan
Aking nararamdaman
Sana'y ligaya'y makamtan
Magpakailan pa man

Ulan ba ang simbolo ng luha?
O sakit ng iyong pagkawala
Ako'y napaiyak ng di sinasadya
Sa aking nagawang tula

Mapapawi pa ba ito?
Sagutin mo ang tanong ko
Dahil magmumula sayo
Kung "Hindi" ba o "Oo"

Akin ng tatapusin
Ang tulang binulong sa hangin
Luha ko'y akin na lang papawiin
Ng mawala na ang sakit ng damdamin

-------------------
Napagawa ng tula wala sa oras. One shot lang yan, walang edit edit. Sana nagustuhan nyo. :)

Magandang Gabi.

Monday, 22 October 2012

SMP ka ba? Ako Oo.


Naalala nyo pa ba ang commercial na yan?
Naging viral ang SMP dahil dyan.
SMP = Samahan ng Malalamig ang Pasko

Naisip ko lang, sa dinami-dami kasi ng problema sa mundo, bakit kasama pa ang pagiging SMP sa po-problemahin natin? Ang sa akin lang, why don't we just learn the true meaning of Christmas?
Ang pag-ibig, darating yan. Unexpectedly. Biglaan. Hindi natin namamalayan ayan na pala.

Bakit kailangan maging malungkot pag SMP ka sa pasko?

Sa bilyong-bilyong tao sa mundo, ikaka-lungkot mo ba ang pasko mo para sa isang taong hindi naman para sayo? Sisirain mo na ang diwa ng pasko para sa taong sinaktan ka at iniwan ka?

Ang pasko, ito ay kung kelan pinanganak si Kristo. Hindi mo ba naisip na kung hindi dahil sa kanya hindi na nagawa, hindi na nabuo, hindi ka naging tao at hindi na nag-eexist ngayon? Bakit hindi ka maging masaya dahil birthday nya? :) Why don't you spend it with your family instead. Malay mo may mga kailangan ka pang buuin sa pamilya mo, may mga bagay na kailangang ayusin. Nabigyan mo na ba sila ng halaga sa taong ito dahil naging busy ka for the past months?

Siguro sasabihin ng iba, KJ ako dahil hindi ako nakikisali sa usong SMP.
Pero sino ba mas KJ kung paskong pasko eh malungkot ka?
Hindi ba dapat masaya tayo pag pasko dahil ito ang panahon ng pagbibigayan, kasiyahan, at pagmamahal sa kapwa.
Ito ang time kung saan bibigyan natin ng oras ang ating mga mahal sa buhay na ipagdiwang ang totoong diwa ng pasko.

Ako kasama ako sa SMP, pero ito yung SAMAHAN ng MASASAYA ang PASKO.. :)

Lamig ng HALLOWEEN, UNDAS o PASKO

Nararamdaman nyo na ba ang lamig ng pasko?
Or is it just the coldness of Undas?
Alin ba talaga dun?

Ano ang topic?
Undas o Pasko?

Syempre kahit na Pasko ang topic ko, mauuna pa din ang Undas kahit anong gawin ko.
Pero bago mag-undas may halloween muna. haha!


HALLOWEEN

Hindi ako fan ng katatakutan pero mukhang enjoy naman ang mga haloween parties. Kung may pera ka. Kasi hindi naman ganun ka-uso ang halloween dahil hindi naman dito sa Pilipinas nagsimula yan. :))
Hindi ko pa nararanasan umattend ng halloween party. Kayo naranasan nyo na ba? Anong feeling? Kwento. :) Feel ko tuloy ang astig pag takutan. Mas nakakatakot ang costume mas astig. Haha. :)

UNDAS

Ang Undas ay ang pag-aalala sa mga ating minamahal sa buhay na nilisan na ang ating mundo. By the end of the month puno nanaman ang mga cemeteries sa buong Pilipinas at sa ibang mga bansang gumugunita ng araw na ito. May mga kakilala ako na nakatira sa mga bansang hindi nagcecelebrate ng Undas kaya sumisindi na lang daw sila ng kandila para sa mga mahal nila sa buhay.

Eto na, ilang araw na lang at

PASKO NA!


Ang pinakahihintay ng lahat. Mapa-bata man, matanda, SMP man o hindi. (Hmm, that gave me an idea for another blog) Anyway, iba talaga ang diwa ng pasko sa Pilipinas. Hindi ko ma-explain pero iba yung nararamdaman kong saya pag parating na ang pasko. Feel ko lahat ng tao masaya, may pera man o wala.  Sana ganun lahat. Sana mapawi na ang kalungkutan ng mga taong malungkot para pagdating ng pasko, maramdaman na nila ang tunay na kaligayahan. Syempre, ang Pasko ay pagdiriwang ng kapanganakan ni Kristo. Yun ang pinaka-importante. :)

So ano, saan kayo excited? :)

Monday, 15 October 2012

Blogger glitch.

Everything's okay now.
The Page Views gone back to normal. My 820 page views, I thought you'll be gone forever. Haha!
Even if I did not get all that views in just 1 day, I am thankful that still, a lot of people have actually seen my blogsite. :)

Does anyone know how to get readers? I mean, I want to follow bloggers that usually blog about anything they want to and also about their experiences in their everyday life.
Do any of you know anyone? I prefer Pinoy Bloggers. :)
Please comment their blogs or your blog below. :)
Thank you. :)

Page Views Problem

The page views problem is fixed. I thought my page views would be back to zero again. After a few hours thank God it was fixed.
Now, I still have to think about something to blog about. I'll do another one later. I know I have to write in English 'cause I think I have viewers that cannot understand Filipino.

Well, anyway, that will be it. :)

I love blogging. LOL!

Sunday, 14 October 2012

Road Trip. Work. Documentary.

Last week was such a busy week for me.
Kinontact kami ni former Assec Emil Sadain para magshoot ng mga nagawang bridge and overpass projects ni President Aquino. Kailangan ko sumama kasi ako ang gagawa ng script so I told myself I have to do that.
It turned out good naman, kasi aside from ang dami dami naming napuntahan at nakita, daming food at enjoy naman. :)

Late Blog. This was supposed to be posted the day after pero wala, tinulog ko lahat kasi sobrang puyat na ako up to the last moment ng submission.

Pampanga, Pangasinan, Bataan, Tarlac, ilan lang yan sa mga lugar na pinuntahan namin. 


The GPS was so cool. Kita mo kung nasaan ang exact location nyo. :)) Haha, na-amaze lang. Pwede ka pa makinig ng music or manood ng movie dyan sa maliit na monitor. Tapos meron din dyan info about the car, kung ilang kilometers na ang natakbo, kung gaano pa karami ang natitirang gas, kung nasa north, south, east or west ba nakaharap ang car. Basta madami pang features na nakaka-amaze. lol! XD


And this, bago kami nagpatuloy sa byahe nag-breakfast muna kami. Kahit na kaka-breakfast ko lang sa bahay nyan, kumain pa din ako. Haha! Masarap kaya ang food dito kaya hindi ko na pinalampas. It's been a long time na rin na hindi ako nakakain sa Roasters. :))

Eto na start ng shoot. Maulan sa labas kaya pahapyaw muna daanan para makunan ang bridge. Si Kuya Joel ang cameraman namin. :) After nyan, kahit na maulan nagshoot pa rin sa labas, pinayungan na lang namin si kuya hehehe!

May nadaanan kaming baha sa may Pampanga. Grabe pala bumaha dun, konting ulan lang baha na.


Finally, meryenda. Pritong saging. One of my favourite foods. :)
Tagal ko na di nakakain nyan. Try nyo masarap yan :))

Lunch. One of my most awaited meal during the coverage dahil isda ang ulam. I love fish so much that I always look forward to eat it. Haha! :)

Isa ito sa mga bridge na pinuntahan namin. I can't remember if this is the Lazatin Bridge. Sa dami ba naman ng napuntahan naming bridge hindi ko na maalala kung alin dun. Wala sa tabi ko ang script ko kaya hindi ako makapagkodigo hehehe! :))

 Our driver and Kuya Mama, taking shots of the bridge while it was raining.
eto pa isang shot. :) hehe.. :)) Para di masira ang camera namin ayun, pinapayungan sya ni kuya driver. :) 

Dinner time in Tarlac. The food was sooo good.  Konting rice lang kinain ko dahil ang dami dami ko na kinaing rice sa araw na yon. :))

Ayun, I super enjoyed the trip. Alam ko mauulit pa to. Kaya abangan na lang. :)

-END-

Friday, 21 September 2012

I'm Okay

Hello.
I'm Okay na. Salamat naman at nakauwi na yung bata. Ako kasi yung nahihirapan sa kanya. Kawawa naman. Nakakainip din naman kasi, kaso ako sanay ako sa ganito. Yun lang.
Anyway,
Nakausap ko na sya sa chat sa gmail. Ok na ako. Hehe. Bawal kasi facebook sa China. Dami daw bawal dun kaya yun lang source of communication namin. Pero ok naman kesa sa hindi kami nag-uusap. 5 days to go plus another 2 days nya sa Tawi-Tawi. I shouldn't be sad kasi alam ko naman na para sa amin yung ginagawa nya kaya I stay happy all the time. It's already 11:30 and medyo inaantok na din ako so I better sleep na. Bukas na lang ako ulit magkekwento ng kung ano mang maisip ko isulat. Haha!

Goodnight! <3