Pages

Wednesday, 6 August 2014

17 miyembro ng PNP-SAF pinawalang sala ng CA hinggil sa Paranaque shoot out

Ligtas na ngayon mula sa 2 counts ng kasong pagpatay ang labing pitong miyembro ng Philippine National Police-Special Action force matapos mapawalang sala  ng Court of Appeals ang kanilang kaso kaugnay ng Paranaque shootout noong 2008 na ikinasawi ng labing anim na katao.

Ito ay matapos na hindi tanggapin ng CA's Special 7th Division ang reversal ng naunang order ng Paranaque Regional trial court upang malinis ang criminal liability ng mga pulis.

Sa reklamong inihain ni Lilian De Vera, lumabag ang mga pulis na ito sa PNP's rules of engagement na ikinamatay ng kanyang asawa at anak.

Ayon kay De Vera, ang kanyang asawa na si Alfonso De Vera at ang kanyang anak na babae ay nakasakay sa kanilang Isuzu Crosswind nang harangin sila ng mga pulis sa loob ng United Paranaque Subivision IV sa Sucat district noong Disyembre 5, 2008.

Dagdag pa ni De Vera, napagkamalan lamang ng mga pulis ang kanilang van na may license plate na XEW-327 na isa sa mga gamit na sasakyang pantakas ng mga suspek.

No comments:

Post a Comment