Pages

Monday, 22 October 2012

Lamig ng HALLOWEEN, UNDAS o PASKO

Nararamdaman nyo na ba ang lamig ng pasko?
Or is it just the coldness of Undas?
Alin ba talaga dun?

Ano ang topic?
Undas o Pasko?

Syempre kahit na Pasko ang topic ko, mauuna pa din ang Undas kahit anong gawin ko.
Pero bago mag-undas may halloween muna. haha!


HALLOWEEN

Hindi ako fan ng katatakutan pero mukhang enjoy naman ang mga haloween parties. Kung may pera ka. Kasi hindi naman ganun ka-uso ang halloween dahil hindi naman dito sa Pilipinas nagsimula yan. :))
Hindi ko pa nararanasan umattend ng halloween party. Kayo naranasan nyo na ba? Anong feeling? Kwento. :) Feel ko tuloy ang astig pag takutan. Mas nakakatakot ang costume mas astig. Haha. :)

UNDAS

Ang Undas ay ang pag-aalala sa mga ating minamahal sa buhay na nilisan na ang ating mundo. By the end of the month puno nanaman ang mga cemeteries sa buong Pilipinas at sa ibang mga bansang gumugunita ng araw na ito. May mga kakilala ako na nakatira sa mga bansang hindi nagcecelebrate ng Undas kaya sumisindi na lang daw sila ng kandila para sa mga mahal nila sa buhay.

Eto na, ilang araw na lang at

PASKO NA!


Ang pinakahihintay ng lahat. Mapa-bata man, matanda, SMP man o hindi. (Hmm, that gave me an idea for another blog) Anyway, iba talaga ang diwa ng pasko sa Pilipinas. Hindi ko ma-explain pero iba yung nararamdaman kong saya pag parating na ang pasko. Feel ko lahat ng tao masaya, may pera man o wala.  Sana ganun lahat. Sana mapawi na ang kalungkutan ng mga taong malungkot para pagdating ng pasko, maramdaman na nila ang tunay na kaligayahan. Syempre, ang Pasko ay pagdiriwang ng kapanganakan ni Kristo. Yun ang pinaka-importante. :)

So ano, saan kayo excited? :)

2 comments:

  1. yep, ramdam mo na talaga ang simoy ng kapaskuhan! may kakaibang chill na ang lamig ng hangin tuwing gabi at sa umaga :)

    happy halloween and advanced merry christmas sayo!

    ReplyDelete