Naalala nyo pa ba ang commercial na yan?
Naging viral ang SMP dahil dyan.
SMP = Samahan ng Malalamig ang Pasko
Naisip ko lang, sa dinami-dami kasi ng problema sa mundo, bakit kasama pa ang pagiging SMP sa po-problemahin natin? Ang sa akin lang, why don't we just learn the true meaning of Christmas?
Ang pag-ibig, darating yan. Unexpectedly. Biglaan. Hindi natin namamalayan ayan na pala.
Bakit kailangan maging malungkot pag SMP ka sa pasko?
Sa bilyong-bilyong tao sa mundo, ikaka-lungkot mo ba ang pasko mo para sa isang taong hindi naman para sayo? Sisirain mo na ang diwa ng pasko para sa taong sinaktan ka at iniwan ka?
Ang pasko, ito ay kung kelan pinanganak si Kristo. Hindi mo ba naisip na kung hindi dahil sa kanya hindi na nagawa, hindi na nabuo, hindi ka naging tao at hindi na nag-eexist ngayon? Bakit hindi ka maging masaya dahil birthday nya? :) Why don't you spend it with your family instead. Malay mo may mga kailangan ka pang buuin sa pamilya mo, may mga bagay na kailangang ayusin. Nabigyan mo na ba sila ng halaga sa taong ito dahil naging busy ka for the past months?
Siguro sasabihin ng iba, KJ ako dahil hindi ako nakikisali sa usong SMP.
Pero sino ba mas KJ kung paskong pasko eh malungkot ka?
Hindi ba dapat masaya tayo pag pasko dahil ito ang panahon ng pagbibigayan, kasiyahan, at pagmamahal sa kapwa.
Ito ang time kung saan bibigyan natin ng oras ang ating mga mahal sa buhay na ipagdiwang ang totoong diwa ng pasko.
Ako kasama ako sa SMP, pero ito yung SAMAHAN ng MASASAYA ang PASKO.. :)
Matagal na akong SMP pero never naman akong naging bitter sa mundo haha. Maraming paraan para lumigaya, hindi lang naman naka depende sa pagkakaroon mo ng lablayp ^_^
ReplyDeleteKorek. Madami kasi na parang lulong sa pagka-SMP na para bang di na sila mabuhay hahaha :)
DeleteNasanay na rin ng akong single at mas enjoy pala... Pero namiss ko na rin ang mga classmate ko especially ang ex ko.
ReplyDeletenormal naman yun, syempre pag matagal nating hindi nakikita namimiss natin.. lalo na pag pasko na diba? :)
Delete