Pages

Wednesday, 24 October 2012

Blogging World/Pagsusulat

Hindi ko man napapansin pero ang sarap pala magsulat kada matatapos maligo. Haha!
Kasi fresh na fresh ang utak ko sa mga bagay bagay na nanyari sa buong araw o sa mga bagay bagay na bigla ko lang naiisip.
Sige na enough of that "bagay bagay" dahil nahahalata na akong walang ibang maisip na salita. LOL!

Napagpasyahan kong pagtuunan din ng pansin ang pagsusulat ko dito sa blog at sa mga forums lalo na sa TCaf.
Malaki utang na loob ko sa Tcaf. Hindi sana magtampo ang blogger pero dahil sa TCaf, mas ginusto kong magsulat at magsulat pa. Bumalik na yung kaadikan ko sa pagba-blog. I posted an entry sa site na yun and within 2 hours lang meron ng 200+ views and 30+ comments. Tapos sa ngayon meron na syang 277 views and 62 comments. First time nanyari yun sa buhay ko. Maraming good feedbacks, maraming reactions, mapa-negative man o positive, I deeply appreciate it. It only means na may sense ang mga sinusulat ko, dito kasi sa blogger, parang nilalangaw ang mga blogs ko. Nahihirapan akong maghanap ng mga readers. I don't know kung nakatulong pa nga  ba yung ginawa kong facebook page para lang maipamahagi ko sa mga friends ko and other people ang mga sinusulat ko.
I'm not a fame whore. Yes, I ask people from facebook and twitter to like my page and read my blogs, pero the only reason behind that is I want to know what other people think about my entries.
Siguro medyo kulang pa ako sa self-esteem pagdating sa pagsusulat kaya kailangan ko ng mga readers. :))
I want to improve.

Ayun, ang dami ko na palang sinabi.

Kasalukuyang umuulan ngayon.

Patak ng ulan
Aking nararamdaman
Sana'y ligaya'y makamtan
Magpakailan pa man

Ulan ba ang simbolo ng luha?
O sakit ng iyong pagkawala
Ako'y napaiyak ng di sinasadya
Sa aking nagawang tula

Mapapawi pa ba ito?
Sagutin mo ang tanong ko
Dahil magmumula sayo
Kung "Hindi" ba o "Oo"

Akin ng tatapusin
Ang tulang binulong sa hangin
Luha ko'y akin na lang papawiin
Ng mawala na ang sakit ng damdamin

-------------------
Napagawa ng tula wala sa oras. One shot lang yan, walang edit edit. Sana nagustuhan nyo. :)

Magandang Gabi.

3 comments:

  1. Hi Ann,

    Yeah, masarap talagang ibahagi sa iba ang mga karanasan mo sa iba't ibang mga bagay by writing it on a blog :)

    basta keep the passion burning lang, continue writing lang... ganyan din ako dati nung nagsisimula pa lang ako sa blogging. konti visitors/commenters/followers, pero try to expand your horizon. mag blog walk kahit tig-one hour a day. marami tayong mga fellow bloggers jan. post ka sa mga chat box nila, mag comment ka sa mga entries nila, try link exchanging with them, be social ^_^

    have a great day!

    ReplyDelete
    Replies
    1. pahabol... try to promote your blog as much as you can. paano nila malalaman na may maganda ka pa lang blog, kung di mo naman pinopromote diba? magandang paraan yung sinabi mo about fb promoting, pero da best talaga ung personal mong pagbisita sa different blogs.

      Delete
    2. Thank you for that advice. :) yes, dati 3 lang followers ko dito ngayon 6 lang. yun ay dahil binisita ko din ang mga sites nila. hehe. ganon pala yun.. kunsabagay that is the best way to promote a blog naman talaga.. Thank you ha. :)

      Delete