Pages

Sunday 24 August 2014

Maikling Post na sobrang random

Magandang Gabi.

Antagal na pala nitong blog ko. Kawawa naman di ko na gaanong nauupdate. Kasi naman sobran busy ko talaga sa mga business na pinagkakaabalahan ko. Paulit ulit noh? Nabanggit ko na ata yan dun sa isa kong post.

Anyway, makwento ko lang, sobrang saya ko today. Nakausap ko sa phone si DJ M.O.D. haha. Super kilig naman ako tapos tili pa ako ng tili. Nakakahiya haha! Magkasama kasi sila ni hubby ngayon kaya ayun tinawagan ako ni hubby. Ang saya saya! Haha.

Maiba nga, dami na nanyari ngayong taon noh, kaloka, andyan yung mga bagyo, mga aksidente, mga nagpopropose, mga kinasal, mga naghiwalay, mga issue sa gobyerno, mga epal na pulitiko, mga malalaking rebelasyon sa showbiz.. pero 
sa kabila ng lahat ng mga yan hindi pa din natatapos ang Be Careful with my heart. Kaya hindi ko na napapanood yun eh dahil may "umay" factor na.. No offense sa mga fans ha, opinyon ko lang yun. Peace!

Ano pa ba, naka-limang libro na ako dun sa mga wattpa stories na napublish ng Summit Books. Kaloka ang gaganda at ang gagaling ng mga writers. Yan ang di nakakaumay. Two thumbs up. Nasa kalagitnaan ako ngayon ng "Love will find a way Part 1".. ganda :)

Hindi pa ako makatulog dahil dun sa phone call. Hehe hindi ako sanay. Pero baka makatulog na din ako mamaya. Bukas na uwi ni hubby eh kaya naeexcite na din ako. Sa pasaubong! Haha joke lang syempre mas excited ako makita sya. :)

Wala na ako maisip, bukas na lang ulit. Mag tatagalog na lang ako para maintindihan ng karamihan. Di naman ako professional writer. Mahilig lang. Tsaka Pilipinas to, magtagalog tayo. Hehehe!

Good night na mga madlang pipol.

Follow nyo ako sa instagram: @annmercadoofficial

Twitter @annmercofficial

Maraming Salamat! :)

No comments:

Post a Comment