Pages

Saturday, 29 September 2012

Gangnam Style: In Ka Ba?

Alam nyo ba kung ano yung Oppa Gangnam Style?
Ito yung sumisikat na dance craze ngayon pumalit na sa Dougie. Haha!
Kpop ito na pinasikat ni PSY kaya patok sa karamihan.
Marami ang napapasayaw sa bagong kantang ito dahil sa maganda nitong beat at dance steps.

Panoorin nyo itong video na ito para mas maintindihan nyo. :)


:)

Good Morning!

Wala lang. I freaked out kasi kagabi.
Patulog na ako, may narinig akong umiiyak na bata. Tapos may lalaking sumisigaw, parang pinapagalitan yung bata. Akala ko dito sa loob ng compound namin, hindi pala, dun pala sa likod ng bahay namin.
Grabe yung tatay, kung paluin ang anak nya ng tsinelas WAGAS. Nanginginig na sa takot at pag-iyak yung bata. Nakisama pa yung nanay.

Grabe anong klaseng mga magulang yun. Ang layo naman ng bahay nila kasi wala namang bahay sa kinatatayuan nila, puro mga jeep lang na naka-parking.
Ayun, medyo matagal tagal din na sinigawan sya ng tatay nya tapos natapos din naman.

Akala ko kung ano na.
Kwento lang.

Yan na lang muna sa ngayon.
Baka mamaya makapag-isip ako ng isusulat. :D
Wala pa si bf kasi extended nanaman ang trip nila. Mula Tawi-Tawi, balik Zamboanga tapos dadaan pa daw sila ng Davao and Cagayan de Oro. Kainggit, nag-tour sa Mindanao. Samantalang ako, matagal ko na gusto magbakasyon dun. Haha! 4 years na din akong di nakakauwi.
Di bale may pastil, dudol at malong naman akong maiuuwi. Yehey! :)

Later! :) 

Centrum Nutri Coach: The First On-line Nutrition Tracker


Yay! It's the new Centrum Nutri Coach!
Ito yung bago ngayon sa www.centrum.com.ph.
The very first online nutrition tracker. Try it! Go to the website then click NutriCoach. :)

This is my personal blog so I'll write in the vernacular.

Ok. Haha!
This was the best coverage I ever had!
The night before pa lang I was prepared na. Contacted my cameraman. Ok na. 11am ang time ng event.
The next morning, oh my! 2 hours after the event biglang hindi pwede ang cameraman ko so I had to find another one. Kaloka. 1 hour before the event, nakahanap din ako ng cameraman. Buti na lang available si kuya Joel. Whew!
So ayun, we met up then taxi na papunta sa Taguig.
Tapos eto, traffic! nag 11am na lang wala pa kami dun. Taranta na ko. Ngarag! Tapos ni-contact ko yung PR, si Ate Leselle, ok naman, hindi pa raw nagsisimula, about to start pa lang raw. At ayun nabunutan ako ng isang higanteng tinik. Haha! Then ayun, relaxed na. I was wondering kung ano ang magiging kalalabasan ng event, kung ano yung mga itatanong ko. Haha!

Ayun, nung nakarating na kami sa The Mind Museum sa Taguig, we contacted again the PR officer kung saan located yung event. Then ayun, voila! Pagpasok namin kakasimula pa lang ng event. :)

The whole program went well naman. Ang sasarap ng food kahit pakonti konti lang. Sosyalan kasi. Haha! XD Healthy food nga diba. Haha!

Mikael Daez was there kasi sya ang endorser ng Centrum. Ang pogi! :)

--------------------------------------
Eto ha, para malaman mo if you are eating the right amount of food or not go to
then click mo yung CENTRUM NUTRI COACH.
Follow the instructions and ayun after you have done that, may results sa last part. Dun mo makikita ang mga results, kung nameet mo ba yung tamang amount of nutrients sa kinain mo. :)
---------------------------------------

I hope that helped. :)
Ang saya lang. :)
met 1:43, Myrus and Uncle Chris there.


Fun Fun Fun!
I got giftpacks too. :)

Go try the tool in the website. It's fun and informative and it will help you with your food consumption. :)
An hour ago #CentrumNutriCoach was trending. Trend it! So you can win giftpacks! :) 

This will be all for today.
Thanks for reading. 
^_^

Friday, 21 September 2012

I'm Okay

Hello.
I'm Okay na. Salamat naman at nakauwi na yung bata. Ako kasi yung nahihirapan sa kanya. Kawawa naman. Nakakainip din naman kasi, kaso ako sanay ako sa ganito. Yun lang.
Anyway,
Nakausap ko na sya sa chat sa gmail. Ok na ako. Hehe. Bawal kasi facebook sa China. Dami daw bawal dun kaya yun lang source of communication namin. Pero ok naman kesa sa hindi kami nag-uusap. 5 days to go plus another 2 days nya sa Tawi-Tawi. I shouldn't be sad kasi alam ko naman na para sa amin yung ginagawa nya kaya I stay happy all the time. It's already 11:30 and medyo inaantok na din ako so I better sleep na. Bukas na lang ako ulit magkekwento ng kung ano mang maisip ko isulat. Haha!

Goodnight! <3

Thursday, 20 September 2012

INIS.

Naiinis ako. As in super inis.Pinilit kong maging good vibes pero eto wala. Hindi kasi ako sanay sa bata. Hindi ako sanay na may kasamang bata, yung kami lang dalawa. Ayoko ng madaming daing. Ayoko ng makulit. Ayoko yung lagi akong pinipilit kahit alam nya naman na wala akong magawa. Bakit pa kasi pinasama to dito sakin kaya ko naman mag-isa. Sabi naman wala syang pasok pero eto kakasabi lang na uwi na daw sya kasi may pasok pa sya bukas.  Tapos dumadaing na sinisipon. Sabi ko naman na darating na yung sundo nya maya maya kasi may dinaanan lang, hindi naman makatiis. Sabi pa sakin, ihatid ko na lang daw sya sa tricycle. Eh hindi naman ako marunong lumabas dito samin na commute lang. Tapos baka pagalitan pa ako ng nanay nya at sisihin na pinabayaan ko. Uhrghhh!.. Oo alam ko bata pa kasi kaya ganyan, pero kasi hindi talaga ako sanay. Una pa lang sinabi ko na, na ayaw ko ng bata na kasama kasi alam ko naman na ito yung mangyayari. Badtrip lang. Haaaayyyy!!!!!

Wednesday, 19 September 2012

PTV4 Team Building

Well, Thank you sa Samsung Galaxy ko at nagawa ko syang wifi hotspot para makapagnet dito sa laptop. Haha! :))

Isa lang masasabi ko. MASAYA! Haha! Nahiya talaga ako nung una pero nawala din naman pagkatapos haha :D Ayun, the best ang open forum ni Direk Ed Finlan. Katabi ko si Otep and Tatay Mon during the open forum. I had so much to learn from Direk and sa lahat ng staff ng PTV. Being in the media is not just being there, it's about dedicating your life into it. Pag nagsimula ka sa media, asahan mong you will MARRY THE MEDIA LIFE. Sabi ko nga kay Otep pagkatapos ng open forum, "Tep, ang ganda ng lahat ng sinabi ni Direk, gusto ko din maging katulad nyo na gagawin ang lahat at idededicated ko ang buhay ko sa media." Tapos sabi nya sakin, "Kung sabihin mo kaya yan lahat sa harap ni Direk."

Nahihiya naman ako. Wala akong mahanap na timing. Mabait naman si Direk pero mahiyain naman ako. Hindi ko pa din nababago yung sarili ko. Hay ano ba to. Mas expressive naman kasi ako sa pagsusulat kesa sa pagsasalita. Weird diba, kasi Broadcasting Major tapos mahiyain. Baka tanong mo bakit hindi na lang ako nag-Journalism. Una sa lahat, I took the challenge. Gusto ko yung weakness ko naman ang maimprove. Marunong naman ako magsulat so konting improvement na lang. Tsaka gusto ko talaga mabago ang sarili ko, yung tipong ang tahimik ko dati tapos ngayon marunong na ako magsalita, yung di na nahihiya. Gusto ko ng ganun.

Ayun, pagkatapos ng open forum, lunch tapos rest, tapos may games.
My pic with Tatay Mon. I miss you Tay! The best ka talaga! :)
Haha! Tapos nakakatuwa silang lahat. :)

 Syempre nagpapicture na ako sa mga artista dun. Hahaha! Artista talaga. XD Ang saya kasi ang babait nilang lahat. :)
with Angelica Movido (NewsLife Anchor), ang hinhin nya promise. She's so pretty pa. :)

with Mr. Pick Up Line.. Hajji Pantua KaamiƱo
 with Kirby Cristobal.. (News Anchor)
with Sandro Hermoso.. (News Anchor/Reporter) ang pogi pogi pala nya hahaha :))

with Robert Tan (NewsLife Anchor)

with Sir Audrey Gorriceta :) (Metro One News Anchor)


 And.. with Direk Ed Finlan. The best Direk in the world! I have learned a lot from him. :)

Ayun, o nga pala, yung location namin ay sa One Algon Place sa Cabuyao, Laguna. Sabi nga nila ito ay lugar para sa mga may "tama" hahaha! Pero maganda dun. Nakakarelax. :)

 Then ito yung ibang mga pics during the games.. etc. :) 1 day lang kami dun dahil may pinuntahan pa kami the next day. Nung gabi bago kami umuwi, nakisali muna kami sa Boodle Fight. Nabusog naman ako agad. Hahaha! :))



BOODLE FIGHT!.. :)
 

other pics...

 tapos ito, wala stolen ako dito haha.. buti pa sina kuya Emil nakasmile haha. XD

 Yun lang, nag-enjoy naman ako. :) Hehe. Good Vibes. :)

Monday, 10 September 2012

I want it that way..

     Okay kailangan gawin to ng PTV sa newsroom.. kailangan at kailangan! hahaha!! XD Got this from youtube. :))

Funny! nakakatuwa lang at least they still have time to have fun after all the busy schedules that they have. :))

Sick

     Sa lahat ng ayaw ko ay yung nagkakasakit. Sinisipon ako at ang sama ng pakiramdam ko. Huhu! Wala akong magawa ngayon kundi magpahinga. Ayaw na ayaw kong magkasipon. Kasi naman yung panahon, uulann tapos iinit tapos uulan.. paulit-ulit na lang. Kayo? ayaw nyo din naman magkasakit diba. Well, uminom na ako ng gamot. Pasaglit lang dito sa blog ko. Since wala pa naman akong maisip isulat isang maiksing entry na lang muna.

I HATE SIPON.

Period.

Sunday, 9 September 2012

Dance Revo

Okay, me and my sis found a way to lose weight. Yun yung pag exercise once a week gamit ang dance revo. Haha! Nung Saturday pa kasi namin plano mag-Quantum kaso ang dami ko pang ginawa. Nag edit pa ako ng report tapos gumawa pa ng script. Ni hindi ko nga nakita kung napalabas ba sa TV eh. Ayun, next day na lang kami pumunta ng Quantum.. tapos syempre ayun bili bili ng tokens. Tapos laro laro, videoke. Tapos yung videoke pa dun dinig at kita ng lahat. Pag dun ka naman sa private, 100 pesos ang mahal haha XD Tapos ayun, nahiya ako dalawang kanta lang naman kinanta ko. Tapos ang dami na naming nalaro nakalimutan namin ang Dance Revo.. nung pauwi pa namin naisip. Haha! Tapos ayun nilaro na namin ang dance Revo tapos nahirapan pa kami kasi puro pang expert haha! Naayos naman sa beginner at ayun nag enjoy naman kami pampatanggal naman ng fats. So, dun na kami every saturday. Malapit lang naman sa bahay. :D Haha!

Haha! Sensya na epic fail kasi ang keyboard ko ngayon. Di ako makapag-type ng maayos kasi sira yung Enter button. nagiging "z" Ayun... XD

Happy Lunch. :)

Sunday, 2 September 2012

Welcome September Oppa Gangnam Style!

     Epic. Epic yung music video ng OGS. Epic din ang internet connection ko. lols!~ Welcome September! Good Vibes for this month. Late post dahil wala akong computer buong week, mobile mobile lang minsan minsan nakakaubos ng load jusko!... Ayun, what happened nga ba, dahil mag 10 months na kami in 2 days, nag advance gift sya sakin nung friday, eto oh:


Hihi ang cute! Mahilig din kasi ako sa mga angel na figurines. Ayun tapos kumain kami sa labas at 11pm. Kasi nga gutom kami ulit tapos yun katakawan lang eto kinain ko:
     Okay, favorite ko talaga ang chicken ng Jolibee and I choose it over Mcdo. Ansarap kasi!.. :D So ayun, nabusog naman ako.. tumambay kami sa Caltex sa may Visayas Ave dun namin kinain ang food. Tapos habang tumatambay at kumakain kami dun biglang tumugtog yung "Sa Puso Ko'y Ikaw" ng 1:43!! Eto nga pala sila, bago kasi sila kaya pasikat pa lang.. lalallala!!!! lokaloka nanamana ko.. hehe
Ayun, from left to right: Anjo, Gold, Yuki and Kent. New member nila si Kent. <3 Pinopromote nila ang OPM (Original Pinoy Music).. Two of their songs are my favorite like "Sa Puso Ko'y Ikaw" and "Sa Isang Sulyap Mo". Dahil sa kanila parang nagbago ang style ng OPM ngayon na pati mga bagets tumatangkilik na sa sariling atin. At syempre ang nagcompose ng mga kantang yun at walang iba kundi si Myrus!
Siya yang kasama ko sa pic. hehe. :) Ang galing nyang composer! :) Singer din sya and sumikat na din ang kanta nyang "Pusong Lito" and "Sige Na Nga". Ayun, avid fan na ako! XD

Nagbilliards nga pala kami last week. Haha. I'm getting better na. Sana kayanin ko na pag may mga tournament. :D

So yan muna, nothing much to say na. Yan yung mga nanyari nung mga time na hindi ako nakapag-post ng blog. Welcome September! Sana maging great month itong September para sa akin. :) 

END.