Pages

Showing posts with label badtrip. Show all posts
Showing posts with label badtrip. Show all posts

Friday, 26 October 2012

Sad. :(

Ayun, ang lungkot lang.
Na-reboot ang cellphone ko.
Nawala lahat ng files.
As in lahat.
Maliban na lang sa mga naka-save sa SD card ko.

Ngayon hindi ko na magamit.
Naka-stuck na lang sya lagi sa "Android" screen tapos hanggang dun na lang sya.
Hindi na sya napupunta sa home screen,.
Tapos hindi ma-off.
Kailangan pa tanggalin ang battery para ma-off.
Kainis.

Ginawa ko na ang lahat para maayos pero hindi effective.
Kailangan ko na siguro ipaayos to sa nag-aayos talaga.
Nakaka-sad.
Parang nawalan ako ng communication sa mundo.
Hindi naman ako masyadong gumagamit ng laptop kasi pang-blog ko lang talaga to.

Wala na akong Instagram na araw araw inuupdate.
Yung clan ko, hindi ko muna mababantayan.
Tapos, ang dami kong pdf books na gustong basahin dun hindi ko na mabasa kasi hindi ko nga mabuksan ang cp ko.
Nakakainis.
Dun din ako lagi nag-tu-twitter.
Dun din reminder ko na lagi uminom ng tubig.

Nakakainis.
Napaka-pakialamera ko kasi.
Ang dami kong kinakalikot sa cp ko, ayan sumuko tuloy sya.
Sana maayos pa to.
1 year pa lang to sakin.

Siguro, may dahilan to.
Binalaan siguro ako na, wag masyadong magconcentrate sa cp.
Haaay. Ewan.

Ang lungkot ko talaga ngayon.
Hindi ko alam kung saan ko ipapaayos to.
Nakakabadtrip lang. :(

Thursday, 20 September 2012

INIS.

Naiinis ako. As in super inis.Pinilit kong maging good vibes pero eto wala. Hindi kasi ako sanay sa bata. Hindi ako sanay na may kasamang bata, yung kami lang dalawa. Ayoko ng madaming daing. Ayoko ng makulit. Ayoko yung lagi akong pinipilit kahit alam nya naman na wala akong magawa. Bakit pa kasi pinasama to dito sakin kaya ko naman mag-isa. Sabi naman wala syang pasok pero eto kakasabi lang na uwi na daw sya kasi may pasok pa sya bukas.  Tapos dumadaing na sinisipon. Sabi ko naman na darating na yung sundo nya maya maya kasi may dinaanan lang, hindi naman makatiis. Sabi pa sakin, ihatid ko na lang daw sya sa tricycle. Eh hindi naman ako marunong lumabas dito samin na commute lang. Tapos baka pagalitan pa ako ng nanay nya at sisihin na pinabayaan ko. Uhrghhh!.. Oo alam ko bata pa kasi kaya ganyan, pero kasi hindi talaga ako sanay. Una pa lang sinabi ko na, na ayaw ko ng bata na kasama kasi alam ko naman na ito yung mangyayari. Badtrip lang. Haaaayyyy!!!!!