Pages

Sunday, 25 August 2013

Panalo Ginebra kahapon!

Yes! tinalo ng Ginebra ang Meralco kahapon. Kung gusto nyo replay meron dito sa blog ko, check nyo lang sa blog archive. :) Nakuha ko lang yun sa youtube, hindi yun sa akin. Ok? Thank you sa nag upload nun. :)

Isang madilim na kuha ng pizza. 

Bago kami umuwi ng bahay, bumili kami ng Thin Crust Pizza. Hawaiian Flavor. Kakainin sana namin habang nanonood ng laban ng Ginebra vs Meralco kasama ng isang malamig na Pepsi. Pagdating namin ng bahay, ayun, NGANGA, walang kuryente. Kailangan pa namin tawagan ang MERALCO para sabihin na ibalik na ang ilaw namin dahil manonood kami ng laban ng Ginebra at MERALCO. Hahaha! What a coincidence. LOL!

So, super nainis ako kahapon at hindi ako mapakali. Second game ng Ginebra at hindi ko mapapanood. malapit na mag 5 pm nun at hindi pa din umiilaw. Napagod ako sa sobrang pagkainis at nakaidlip. Pag gising ko 6pm na wala pa ding kuryente. Sabi ko, wala na, tapos na yung game. Wala na akong mapapanood. Sabi ni hubby sa akin, "Pumili ka na lang. Wala tayong kuryente ngayon pero mananalo ang Ginebra, o may kuryente tayo pero panalo ang Meralco?" Sabi ko naman, "Sige, walang kuryente at panalo Ginebra! Manonood na lang ako ng replay." Haha! talagang gagawin lahat manalo lang Ginebra eh! Yan tayo eh!

Teka, bago ko ituloy yung kwento, eto yung ginawa ko habang naghihintay magka-ilaw.
 


Haha!! Thank you nga pala sa hubby ko para sa shoes ko. Hehehe!

Fast Forward.

At nagka-ilaw din. Saktong pagbukas ko ng TV eh start ng 4th Quarter. At nanalo din ang Ginebra. Ayun.


Si LA Tenorio player of the game. yun ba yung term? sa sobrang dami ko iniisip di ko na maalala. haha! :))

At ayun, kasabay ng pagbabalik ng aming kuryente ay ang unang pagkapanalo ng Ginebra sa Governors Cup. 1-1 na! Never Say Die!

Ang saya! :)



No comments:

Post a Comment