Pages

Thursday, 22 August 2013

Never Say Die! Yan ang Ginebra!

"

Ako po si Jo Annmarie Mercado. Isang baguhang fan ng Ginebra.

Bago lang po ako kaya't hindi ko masasagot lahat ng mga tanong ninyo at hindi rin ako makapag-trivia ng kung anu-ano tungkol sa Ginebra bukod sa hindi ako si Kuya Kim. hehehe! Simpleng taga-shoutout lang at taga-follow ng mga kapwa ka-barangay sa Twitter. (follow nyo ako @AnnMercOfficial) Masaya na ako dun. :)

Pero mula nung naging fan ako, that's 3 months na, naging masaya ang lahat. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganitong fandom, yung solid, masaya, welcome na welcome ka, walang mas mataas, walang mababa, pantay-pantay.

Ang ingay pag may game. Napapamura ka man pag di naka-shoot, enjoy naman -- MANALO o MATALO. Kahit matalo, hindi iniiwan ang team. Solid, loyal.. Forever Ginebra. Walang iwanan. :) Grabe, bilib ako sa samahan ng fandom na ito. Naalala nyo nung last commissioners cup kahit natalo tayo ng Alaska eh mukhang Ginebra pa din nanalo kasi umuwi na ang iba pero nanatili pa din ang mga Ginebra fans para i-cheer ang team dahil naka-second place ito. Yan ang WALANG IWANAN. Yan ang tunay na kaibigan. Yan ang totong tao!

Hindi ko pa nararanasang manood ng live pero dahil lagi akong nanonood sa tv, nararamdaman ko yung chill o yung kakaibang pakiramdam na kasabayan mong sumisigaw at nagchi-cheer sa paborito mong team ang milyon-milyong Ginebra fans sa buong Pilipinas kasama na ang mga Pilipinong nasa ibang bansa. Nkaka-uplift ng feeling. Nakaka wala ng bad vibes. Nakaka-high. Parang droga lang, nakaka-high. Haha! Basta sa sobrang sarap ikaw na ang bahalang magdefine ng feeling.

Napasulat ako ng blog entry. Gusto ko lang ilabas ang kasiyahang nararamdaman ko. Ngayon ko lang naranasan to. Iba talaga kapag Ginebra ka! :)

Yung mga haters? Hindi ko na pinapansin yan. Wala na ata akong napapansing ganun, dahil naka-focus ako sa positive. Dahil sa sobrang high ka sa kasiyahan, dedma na ang mga negatibong vibes na yan. :)

#GinebraFollow
#TagaGinebraKaKung

Ilan lang yan sa mga hashtags na pinagtuunan ko ng pansin mula kahapon. Daming nagparticipate ang saya!
Patuloy lang po akong nagfa-follow at nagsha-shoutout ng mga kapwa Kabarangay. Kahit ilang beses na akong na-twitter jail dahil sunod sunod akong magtweet, okay lang. Masaya naman ang mga kabarangay ko, masaya na din ako. :)

Kayo, anong Ginebra experience nyo? :) comment nyo. (at dahil wala naman masyadong nagco-comment sa blog ko, naaawa ako sa sarili ko haha joke lang, kayo bahala kung gusto nyo magcomment o hindi hehehe!)

Mahal ko mga Ginebra fan friends ko! :)

6 comments:

  1. Yan ang tunay na MakaGinebra :) gogogo lang @AnneMercOfficial. ganun din kame sa Ginebra manalo at matalo GINEBRA padin :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you sis! ^__^ yes Never Say Die! ^_^

      Delete
  2. ayiiiihhh, kung anung nakasulat sa blog mo e naramdman ko lahat, gnun ata talaga pag Ginebra Fans ka...#GinebraFamily#NSD

    ReplyDelete
    Replies
    1. maraming salamat po :) wow may nagcocomment na mismo dito sa blog hehe.. salamat po talaga.. nakakabuhay kayo ng dugo.. mahal ko kayong lahat ^__^

      Delete
  3. Lahat pantay pantay sa Ginebra. Bago man o panahon pa ni Jawo, basta iisa ang sigaw: "Never Say Die". Thank you sa pagshare ate :))

    ReplyDelete