Last year, I had this issue sa school. Actually, hindi ako ang may issue, yung "best friend" ko kuno na nagkalat ng kung anu-ano tungkol sa akin. Nagsimula yun nung hindi na ako pumapasok dahil nga umalis ako sa amin dahil punong puno na ako. That's another issue. Anyway, ayun, hindi na nga ako pumapasok, may nangyayari pang ganun.
Lahat ba naman ng mga prof pati ang dean namin, sinabihan nya ng kung anu-anong negative tungkol sa akin. At etong IBANG mga prof naman, NANIWALA AGAD. Wtf pa Communication and Broadcasting grads sila. Diba dapat, alamin mo muna ang BOTH sides of the story bago ka magjudge?.. Pati si Dean hinusgahan ako. Nagsumbong lang yung gaga na ni-threaten ko sya, naniwala naman agad tong dean at sinuportahan pa ang pagblotter sa bf ko. Shet. Kung alam nyo lang ang tunay na nangyari.
Actually, until now, naka-save pa din ang mga below-the-belt messages nya sa akin. To mention some, "Pokpok ka ng bayan e!" "Traydor ka!" Eh nung tinanong ko kung bakit, wala naman syang masabing dahilan. Hindi na nga nya ako nakikita sa school tapos puro ganyan pa. At eto, dahil nga below-the-belt na yung pagtext nya ng "pokpok ka ng bayan" nalaman ng bf ko at gusto ng bf na tawagan sya just to clear things up, na hindi pokpok ang gf nya at tatanong sana namin kung bakit nya nasasabi ang mga bagay na yun. We called her. All she said was "Hello? Hello?.. wala akong marinig eh.. Mahina signal dito".. The next day nalaman na lang namin na na-blotter na pala bf ko dahil ni-threaten daw, at ni-ban pa si bf sa school. WTF talaga.
Yung ibang mga kaklase ko naman, sabi nila pinapatawag daw ako ni Dean. Eh pag pumapasok ako, ilang beses kami nagkakaharap ni Dean, never naman sya nagmention. NEVER NYA AKONG PINATAWAG kahit alam nyang kaharap na nya ako. Actually naghihintay lang ako kasi gusto ko din sana magexplain. Ayoko naman maunang pumunta sa Deans Office kasi baka naman isipin nila na guilty ako. Medyo malaking issue na yung pag-blotter ha tapos parang dedma lang nung nandun ako. dafvck.
Madami pang sinabi. Hindi ko na matandaan lahat, o kinalimutan ko na lang lahat dahil hindi ko naman ikauunlad kahit patulan ko pa sila. Syempre, mataas ang posisyon, mas may power kahit ipaglaban ko pa na ako ang tama. Ganun naman lagi eh. Kaya mula nun, never na akong bumalik sa school na yun. Alam ko may utang pa ako sa tuition pero madali na lang i-settle yun.
Ang ayaw ko lang, pati yung ibang mga kaklase ko hinusgahan ako. NEVER din nila akong kinausap. Never nilang pinakinggan ang side ko. I was only a text away. WALA. NGANGA. Kaya naniniwala ako na mahirap talaga maghanap ng tunay na kaibigan. Kung kelan down ka, pag-iisipan ka pa ng kung anu-ano at basta na lang maniniwala sa iba dyan na BEST ACTRESS pa naman.
Kaya yan ang title ng entry ko na ito, dahil yung dean na kinaiinisan ko, namatay kahapon. Hindi ko alam kung paano magreact. Hindi naman ako masaya, hindi rin ako malungkot. Minsan ko nang nasabi sa sarili ko na hindi ko na lang sila papatulan dahil alam kong mabilis ang karma. Tapos ganto. Iba ang feeling. Hindi ako masaya, hindi rin ako malungkot.
asdfghjkl!
No comments:
Post a Comment