Pages

Monday, 29 July 2013

Sino ang EPAL?

Haha. May umaway sakin sa twitter. Tinarayan ako. Nakakatawa lang kasi dahil sanay na ako sa mga ganyan, di ko na pinapatulan ng masama, tinatawanan ko na lang tapos susubukan kong maging chill lang yung usapan pero hindi naging effective. Toink. Talaga atang masama ang kanyang ugali. LOL!

Di ko na ipopost ang picture nya dito kasi yung DP nya cute, pero mukhang edited kasi sa ibang pics nya, pangit naman. Hahaha! Kaya eto na lang ang username nya:

@IamJhanePokss

Natawa naman ako dun sa POKS. LoL!

Ito yung convo namin kagabi..


Ayan. Hahaha! Oh, sino ang epal samin? Una, kahit sumingit ako, I was happy, not bullying and HINDI SYA ANG KAUSAP KO, MY GOD! Nakalagay na nga ang pangalan ng kinakausap ko eh. Si Momon. Haha! Kahit naka-reply pa yung tweet ko kanya, eh dalawa naman sila naka-mention at binanggit ko name ng isang friend ko.

Tapos biglang ganun. Haha! Ako pa daw ang epal. Sino kaya ang biglang sumulpot na parang kabute sa mentions ko at nagpapa-followback? hahaha! Pwede nya naman dedmahin na lang yung pang-aasar ko kay Momon eh.. diba? tapos famewhore pa, nagmamakaawa ng followback sa kung sino sino. LoL!

Inggit lang siguro yun sabi nga ng mga friends ko. Una, maganda ako. Hahaha!! (Joke lang).. Pero eto seryoso, kahit hindi naman ako kagandahan, maganda naman ugali ko. Hindi ako marunong magtaray at simpleng bagay lang yun juskopo. Parang ang laki laki ng problema nya sa buhay. Haha!

Mukhang bata pa sya. Immature pa. LOL! Mahirap yan, pag bata pa ganyan na ugali, wala na gamot yan. Hahaha!

Sya si Jhane Pokss. Baka naman sya ay isang.... tooot. nevermind. hahaha!!

Matapos na nga itong blog! haha! :))

Sunday, 28 July 2013

Pacquiao for President?

Naku po eto nanaman.. kababasa ko lang sa news, interesado daw si Pacman maging susunod na pangulo ng bansa. Ano sa tingin nyo?

Para sa akin, jusko po tama na. Lahat na lang papangarapin mo. Sa buhay, you can't have it all. Natalo na nga sya sa huling laban ni Bradley eh. Bilog ang mundo. May next laban pa sya pero tingin nyo tatangkilikin pa kaya ito ng mga Pilipino katulad ng pagtangkilik sa kanya noon?

Then ito, may balak pa syang tumakbo sa pagka-presidente. Tama na po.  Ang dami na nanyari sa buhay nya sana makuntento na lang sya dun. Kahit hindi ako pabor sa pagpalit nya ng religion, wala akong magagawa, choice nya yun.

Mayaman na sya, ang dami dami na nyang mga karanasan at tagumpay sa buhay. Hindi ba nya nanaisin na mabuhay ng simple lang?

Ako nga, magkaroon lang ako ng kahit 5 million, ilalan ko sa business at iba pa, ok na ako dun. Kahit di na ako mag-artista pr what, focus na lang ako sa business ko at simpleng buhay. Para sa kanya barya lang ang 5 million dahil bilyon ang naipapanalo nya sa mga laban nya at bukod dun kahit matalo man sya milyon milyon pa din ang nakukuha nya. So manalo, matalo, may perang nakukuha.

Bakit ganun, may mga taong hindi pa din kuntento sa buhay. Pag walang-wala sa buhay, nangangarap na magkaroon, pero nung biniyayaan na ng madaming pera, gusto pa ng mas madami pa. Haaayy... Ang sarap kaya mabuhay ng simple lang. Walang worries, may privacy at magaan sa kalooban.

At walang magpopost ng ganito tungkol sayo.

Hihihi!!

Friday, 26 July 2013

Our Kasambahay (wag basahin kapag kumakain)

Hi. I've been bothered lately about our kasambahay. Actually, today sinabihan na namin sya na pwede na syang umalis, well, in a way na hindi sya masasaktan. And nakahanap na din kami ng kapalit nya na mamayang gabi na darating. Naawa ako pero wala naman akong magagawa dahil sinayang nya yung pagkakataon, dahil inabuso nya ang ibang mga bagay.

Kung nagtataka ka kung anong mga nagawa nya why I didn't want her to stay anymore, eto ang mga dahilan:

1. Nahuli ko syang tinungga yung personal bottle ko sa fridge.

For some of you whose lazy to get a glass for you to drink, you might have your own personal bottle sa fridge para when you're thirsty, diretso tungga na lang. BUT of course it is PERSONAL, so only you can use it. Pero ayun nga, nahuli ko sya tinungga yung bottle ko, pero swerte nya mabait akong amo, hindi ko sya pinagsabihan harap harapan, dahil hindi ako ganung tao. Nasasaktan din ako pag alam kong may magagawa akong makakasakit sa kapwa ko. Masyado akong sensitive. Maswerte sya. Siguro sa ibang amo niratratan na sya. Anyway, siguro 2 to 3 times ko na sya nahuling ginawa yun, hindi nya alam na nakikita ko sya because nasisiip ko lang sya sa butas na square sa divider namin. Pinagbigyan ko sya. Hinuhugasan ko na lang yung bottle ko pag nakikita kong ganun. Pero, diba, what if kung hindi ko nakikita?

For the third time, napikon na ako. I gave her so many chances already. Iniisip ko na sana man lang matauhan sya o ma-realize man lang nya sa sarii nya na mali yung nagawa nya. Konsensya ba. Pero wala. Maswerte pa din sya hindi ko sya kinompronta dahil hindi ko nga ugali yung ganun. Kinuha ko yung bottle, tinapon ko lahat ng tubig then nilagyan ko ng Joy at iniwan ko sa lababo. Then I went upstairs, (medyo padabog), then narinig nya at ng isa pang kasama ko sa bahay na si Ate Bevs.

Sabi ni Ate Bevs sakin, tinanong nya daw si Ate Kasambahay kung ano nanyari sa akin, kung bakit kaya ako nagdabog. Then sabi daw ni Ate Kasambahay na baka akalain ko daw na tinungga nya yung bottle ko sa ref. Eh nilagyan nya lang daw ng tubig. Ate Bev is a lot older than Ate Kasambahay parang mag-ina ang age gap nila. So, pinagsabihan ni Ate Bevs si Ate Kasambahay. Sabi hindi nya daw talaga tinungga yun. Pero kinabukasan, AYUN! UMAMIN DIN.

Nag-sorry sya sa akin. Eto ha, nag-sorry sya sa akin kagigising ko lang. Tapos sabi nya uuwi na daw sya sa kanila at huwag ko daw isipin na dahil yun sa ginawa nya. Tapos later on binawi din nya. Ganun din ginagawa nya sa personal bottle ni Ate Bevs sa fridge.

2. Okay, hindi na sya tumungga, nagbabaso na sya. After nyang gamitin yung baso, binabalik na nya agad sa lagayan ng mga plato. WALANG HUGAS HUGAS. Minsan hinuhugasan pero hindi sinasabunan.

Last night nakita ko ulit yun. I was so disappointed dahil wala namang improvement. Ilang beses na din syang pinagsabihan ni Ate Bevs, ayaw matuto. 

3. Yung mga personal bottles, dun sya kumukuha ng water na ilalagay sa pitsel. Sinasalin nya sa pitsel yung tubig na galing sa mga personal bottles. TInatamad ata kumuha sa gallon. 

Una, si hubby ang nag explain, tapos tinanong ni Ate Bevs si Ate kasambahay kung ano yung ibig sabihin ng hubby ko na "salin salin" (pero of course alam na ni Ate Bevs yun kunwari lang hindi nya alam)..  Sabi ni Ate Kasambahay kay Ate Bevs, "Ah baka yung ano.. (please refer to #3)" Oh diba nagets nya agad. Sabi ni Ate Bevs, "aba hindi ko ginagawa yan. Ginawa mo ba?" sagot naman nya "Hindi ate."

This time, pinagsabihan ko na talaga sya. Hindi pa din sya umamin kay Ate Bevs. Sabi ko, "Ate, pag nagkulang na ng tubig sa pitsel, wag mong sasalinan ng galing sa mga iniinuman natin na pansarili. Nakita kasi kita kagabi na ginawa mo yun."

Parang natakot sya. Sabi ko nga kay Ate Bevs, kung umamin na lang sana si Ate Kasambahay sa kanya, hindi ko na sya kukumprontahin ng ganun. Pero nakita ko kasi sya at hindi pa din sya umamin.

4. Yung parang towel na nakasabit sa ref, para lang sa KAMAY yun, pero si Ate Kasambahay, pinamumunas pati sa mukha nya. After maghilamos, dun ang diretso nya.

Sinama ko na yan nung pinagsabihan ko sya regarding #3.

5. Yung toothbrush ng anak ni Ate Bevs, ginagamit nya.

Oh diba, san ka pa? nanggagamit ng toothbrush ng may toothbrush. Tapos sa bata pa. Ano na lang kaya ewwww.

6. Kwento ni Ate Bevs. Kumakain sila nun, si Ate Kasambahay, maglalagay sya ng tubig sa baso, tapos iinuman nya, tapos ibibigay nya kay Ate Bevs.

Kung ikaw yun, tatanggapin mo ba yung baso? LOL! Una, hindi tayo magkamag-anak para magshare tayo ng iisang baso. Hindi rin naman tayo sobrang close. At higit sa lahat, ang dami daming baso bakit parang kailangan isa lang ang gagamitin?

7. Kwento pa din ni Ate Bevs, (readers discretion is adviced)... NAGTITINGA sya sa harapan ni Ate Bevs pag kumakain sila. yung walang takip takip ha, yung biglang sundot lang sa ngipin. 

Sorry kadiri eh. Kaya may warning na ako sa title pa lang ng blog entry na ito.

8. Habang kumakain din sila, nagpapagpag naman sya ng buhok nya. Eh ang daming kuto nun. (sorry ulit kung kadiri)..

Syempre diba, dapat itali mo buhok mo habang kumakain kung meron ka man mga aliens sa ulo mo.
Yuck as in dun na ako nandiri talaga.

9. Nung minsan na nagbigay ng spaghetti na masarap yung kapitbahay namin.. eh di dinala na yung plato sa loob. Then, kumuha na si Ate Bevs ng isa pang plato para sa kanya saka sya kumuha dun sa plato na may spaghetti para kainin nila ng anak nya. Aba, itong si Ate Kasambahay, dumiretso ba naman kain dun sa plato na binigay ng kapitbahay. Hindi man lang kumuha ng sarili nyang plato. Eh si Ate Bevs, gusto pa kumuha ng spaghetti hindi na nya magawa kasi ng kinainan na ni Ate Kasambahay yung mismong plato.

Wala na ako ma-comment dito dahil mga experience yan ni ate bevs kasi sila naman lagi magkasama.

10. After maligo ni Ate Kasambahay, yung damit nya na nagamit na, binabalik nya sa cabinet nya. Tapos gagamitin ulit.

Kaya pala may amoy sya palagi. Di kanais nais na amoy.

11. Ilang beses na nagluto ng spaghetti si Ate Bevs, so dapat kabisado na ni Ate Kasambahay kung paano magluto nun dahil tinuturuan naman sya. Nung minsan pinabantayan ni Ate Bevs yung spaghetti na pinakukuluan para lumambot, binantayan nanan ni Ate Kasambahay. Oo binantayan nya, BINANTAYAN NYANG MASUNOG.

12. May mga times na tulala sya, wala sa sarili.

Naku delikado yan lalo pag nagluluto. Gasul pa naman gamit namin.

13. Minsan yung sukli hindi nya sinasabi na sobra.

Naku, pag ganyan may possibility na mangupit kasi kahit simpleng barya lang yun pera pa din yun.

Madami pa akong masasabi pero sobrang haba na nitong blog entry na to at hindi ko na din matandaan lahat lahat. Wala naman akong magagawa kasi ayaw nya naman matuto. Sinayang nya yung mga pagkakataon na sana tinama nya kahit hindi kami nakatingin. Hindi ko makalimutan yung lumiyab yung gasul dahil sa kanya. kasi nakabukas pa pala yung switch bigla nyang binuksan yung mismong gasul. Buti na lang walang nanyari. Wala kasi sya sa sarili. Tinuturuan naman sya sa lahat ng bagay pero sadyang ayaw nya lang matuto, at wala syang effort magtanong man lang kung paano.

Aalis na sya mamayang 7pm, sana kung ano man maging trabaho nya, may natutunan sya dito samin. At sana kung ganun din magiging trabaho nya, sana mabait din amo nya at sana wag nyang abusuhin yon.

Sorry haba ng post ko. Naalala ko lang ikwento.

Thursday, 25 July 2013

S'mores


Okay, I got this picture from google. That is called S'mores from The Iscreamist. An ice cream (i think) store somewhere in East Diliman, QC.

First of all, I have no idea what that tastes like. I've been searching it on google since yesterday and it's basically grahams, chocolate and marshmallows. I don't know what that smoke is called but reviewers say that it is very cold.

I got the address of the store and I'll drop by tomorrow to try that.  Haha! Pretty cool huh.

Have you tried it? Is it addicting?.. 

I must say from the way it looks, its yummy! :)

You might want to try it too. 😊

Nikki Gil and Billy Crawford Breakup



Felt so sad. I thought everything between them was never ending. Nakakagulat sa totoo lang. Fan na fan ako ng relationship nila. Yung feeling na, pati ikaw nararamdaman mo na akala mo perfect na, akala mo ok na ang lahat tapos matatapos lang din sa wala. Wala pa silang sinasabing rason as of now and Nikki isn't ready to talk about it yet.

They are a cute couple diba? Who would have thought na ilang taon din ang inabot nila then mahihinto din. Everything seemed.... perfect. Sayang.

Well, life goes on. Let's just be happy for them kung yun ang magpapalaya sa kanilang kalooban. Sometimes, yung mga akala nating totoo na, it's not meant to be pala. If you are not for each other talaga, then hindi kayo magkakatuluyan pero sabi nga nila, kung kayo, kayo talaga and destiny will always find a way for the both of you to end up with each other.

Let's move on even if this news is quite shocking, well, if you have been a witness of their love when they were still in a relationship.

I still love them both. Great artists!