Kung nagtataka ka kung anong mga nagawa nya why I didn't want her to stay anymore, eto ang mga dahilan:
1. Nahuli ko syang tinungga yung personal bottle ko sa fridge.
For some of you whose lazy to get a glass for you to drink, you might have your own personal bottle sa fridge para when you're thirsty, diretso tungga na lang. BUT of course it is PERSONAL, so only you can use it. Pero ayun nga, nahuli ko sya tinungga yung bottle ko, pero swerte nya mabait akong amo, hindi ko sya pinagsabihan harap harapan, dahil hindi ako ganung tao. Nasasaktan din ako pag alam kong may magagawa akong makakasakit sa kapwa ko. Masyado akong sensitive. Maswerte sya. Siguro sa ibang amo niratratan na sya. Anyway, siguro 2 to 3 times ko na sya nahuling ginawa yun, hindi nya alam na nakikita ko sya because nasisiip ko lang sya sa butas na square sa divider namin. Pinagbigyan ko sya. Hinuhugasan ko na lang yung bottle ko pag nakikita kong ganun. Pero, diba, what if kung hindi ko nakikita?
For the third time, napikon na ako. I gave her so many chances already. Iniisip ko na sana man lang matauhan sya o ma-realize man lang nya sa sarii nya na mali yung nagawa nya. Konsensya ba. Pero wala. Maswerte pa din sya hindi ko sya kinompronta dahil hindi ko nga ugali yung ganun. Kinuha ko yung bottle, tinapon ko lahat ng tubig then nilagyan ko ng Joy at iniwan ko sa lababo. Then I went upstairs, (medyo padabog), then narinig nya at ng isa pang kasama ko sa bahay na si Ate Bevs.
Sabi ni Ate Bevs sakin, tinanong nya daw si Ate Kasambahay kung ano nanyari sa akin, kung bakit kaya ako nagdabog. Then sabi daw ni Ate Kasambahay na baka akalain ko daw na tinungga nya yung bottle ko sa ref. Eh nilagyan nya lang daw ng tubig. Ate Bev is a lot older than Ate Kasambahay parang mag-ina ang age gap nila. So, pinagsabihan ni Ate Bevs si Ate Kasambahay. Sabi hindi nya daw talaga tinungga yun. Pero kinabukasan, AYUN! UMAMIN DIN.
Nag-sorry sya sa akin. Eto ha, nag-sorry sya sa akin kagigising ko lang. Tapos sabi nya uuwi na daw sya sa kanila at huwag ko daw isipin na dahil yun sa ginawa nya. Tapos later on binawi din nya. Ganun din ginagawa nya sa personal bottle ni Ate Bevs sa fridge.
2. Okay, hindi na sya tumungga, nagbabaso na sya. After nyang gamitin yung baso, binabalik na nya agad sa lagayan ng mga plato. WALANG HUGAS HUGAS. Minsan hinuhugasan pero hindi sinasabunan.
Last night nakita ko ulit yun. I was so disappointed dahil wala namang improvement. Ilang beses na din syang pinagsabihan ni Ate Bevs, ayaw matuto.
3. Yung mga personal bottles, dun sya kumukuha ng water na ilalagay sa pitsel. Sinasalin nya sa pitsel yung tubig na galing sa mga personal bottles. TInatamad ata kumuha sa gallon.
Una, si hubby ang nag explain, tapos tinanong ni Ate Bevs si Ate kasambahay kung ano yung ibig sabihin ng hubby ko na "salin salin" (pero of course alam na ni Ate Bevs yun kunwari lang hindi nya alam).. Sabi ni Ate Kasambahay kay Ate Bevs, "Ah baka yung ano.. (please refer to #3)" Oh diba nagets nya agad. Sabi ni Ate Bevs, "aba hindi ko ginagawa yan. Ginawa mo ba?" sagot naman nya "Hindi ate."
This time, pinagsabihan ko na talaga sya. Hindi pa din sya umamin kay Ate Bevs. Sabi ko, "Ate, pag nagkulang na ng tubig sa pitsel, wag mong sasalinan ng galing sa mga iniinuman natin na pansarili. Nakita kasi kita kagabi na ginawa mo yun."
Parang natakot sya. Sabi ko nga kay Ate Bevs, kung umamin na lang sana si Ate Kasambahay sa kanya, hindi ko na sya kukumprontahin ng ganun. Pero nakita ko kasi sya at hindi pa din sya umamin.
4. Yung parang towel na nakasabit sa ref, para lang sa KAMAY yun, pero si Ate Kasambahay, pinamumunas pati sa mukha nya. After maghilamos, dun ang diretso nya.
Sinama ko na yan nung pinagsabihan ko sya regarding #3.
5. Yung toothbrush ng anak ni Ate Bevs, ginagamit nya.
Oh diba, san ka pa? nanggagamit ng toothbrush ng may toothbrush. Tapos sa bata pa. Ano na lang kaya ewwww.
6. Kwento ni Ate Bevs. Kumakain sila nun, si Ate Kasambahay, maglalagay sya ng tubig sa baso, tapos iinuman nya, tapos ibibigay nya kay Ate Bevs.
Kung ikaw yun, tatanggapin mo ba yung baso? LOL! Una, hindi tayo magkamag-anak para magshare tayo ng iisang baso. Hindi rin naman tayo sobrang close. At higit sa lahat, ang dami daming baso bakit parang kailangan isa lang ang gagamitin?
7. Kwento pa din ni Ate Bevs, (readers discretion is adviced)... NAGTITINGA sya sa harapan ni Ate Bevs pag kumakain sila. yung walang takip takip ha, yung biglang sundot lang sa ngipin.
Sorry kadiri eh. Kaya may warning na ako sa title pa lang ng blog entry na ito.
8. Habang kumakain din sila, nagpapagpag naman sya ng buhok nya. Eh ang daming kuto nun. (sorry ulit kung kadiri)..
Syempre diba, dapat itali mo buhok mo habang kumakain kung meron ka man mga aliens sa ulo mo.
Yuck as in dun na ako nandiri talaga.
9. Nung minsan na nagbigay ng spaghetti na masarap yung kapitbahay namin.. eh di dinala na yung plato sa loob. Then, kumuha na si Ate Bevs ng isa pang plato para sa kanya saka sya kumuha dun sa plato na may spaghetti para kainin nila ng anak nya. Aba, itong si Ate Kasambahay, dumiretso ba naman kain dun sa plato na binigay ng kapitbahay. Hindi man lang kumuha ng sarili nyang plato. Eh si Ate Bevs, gusto pa kumuha ng spaghetti hindi na nya magawa kasi ng kinainan na ni Ate Kasambahay yung mismong plato.
Wala na ako ma-comment dito dahil mga experience yan ni ate bevs kasi sila naman lagi magkasama.
10. After maligo ni Ate Kasambahay, yung damit nya na nagamit na, binabalik nya sa cabinet nya. Tapos gagamitin ulit.
Kaya pala may amoy sya palagi. Di kanais nais na amoy.
11. Ilang beses na nagluto ng spaghetti si Ate Bevs, so dapat kabisado na ni Ate Kasambahay kung paano magluto nun dahil tinuturuan naman sya. Nung minsan pinabantayan ni Ate Bevs yung spaghetti na pinakukuluan para lumambot, binantayan nanan ni Ate Kasambahay. Oo binantayan nya, BINANTAYAN NYANG MASUNOG.
12. May mga times na tulala sya, wala sa sarili.
Naku delikado yan lalo pag nagluluto. Gasul pa naman gamit namin.
13. Minsan yung sukli hindi nya sinasabi na sobra.
Naku, pag ganyan may possibility na mangupit kasi kahit simpleng barya lang yun pera pa din yun.
Madami pa akong masasabi pero sobrang haba na nitong blog entry na to at hindi ko na din matandaan lahat lahat. Wala naman akong magagawa kasi ayaw nya naman matuto. Sinayang nya yung mga pagkakataon na sana tinama nya kahit hindi kami nakatingin. Hindi ko makalimutan yung lumiyab yung gasul dahil sa kanya. kasi nakabukas pa pala yung switch bigla nyang binuksan yung mismong gasul. Buti na lang walang nanyari. Wala kasi sya sa sarili. Tinuturuan naman sya sa lahat ng bagay pero sadyang ayaw nya lang matuto, at wala syang effort magtanong man lang kung paano.
Aalis na sya mamayang 7pm, sana kung ano man maging trabaho nya, may natutunan sya dito samin. At sana kung ganun din magiging trabaho nya, sana mabait din amo nya at sana wag nyang abusuhin yon.
Sorry haba ng post ko. Naalala ko lang ikwento.
No comments:
Post a Comment