Pages

Sunday, 4 November 2012

Pintada Finale

Sinong nakapanood ng finale ng Pintada?

I have watched this Teleserye from middle to the end. I realized na ang ganda ng story. Ang galing pa ng mga artista. I'm not really a fan of teleseryes because as a child pinagbabawalan akong manood ng parents ko. I don't know, baka they just don't like dramatic shows. Pero nung sinimulan ko na manood I got hooked. Hindi lahat ng mga teleserye pinapanood ko, kadalasan pag hindi ko type, I stop watching.

Katarungan. Si Lysa Alvarez ay nakulong ng anim na taon dahil sa isang bagay na hindi nya naman ginawa, ang patayin si Mr. Sandejas. Tapos kagagawan pala yun ni Karen witnessed by Mommy Carolina. Natapos sa pagkakakulong ni Karen at Mommy Carolina.

Love Triangle. Sev, Lysa, Noel. Love triangle na nauwi sa pagkakatuluyan ni Sev and Lysa. Pero syempre ang dami pa nilang pinagdaanan at sa huli, kasal din ang pagtatapos. :)

Kapatid. Sa dami ng pagsubok ng buhay nagawa ni Lysa na bawiin ang tiwala ng kanyang mga kapatid at nagawa rin nyang bawiin ang mga ito kay Karen. Magkakapatid din pala sina Sev, Julian at Noel. (tama ba?)

Pag move on. Hindi ko alam kung anong masasabi ko pero feel ko sa huli nag move on naman si Samantha. Hehehe.

Revenge. Revenge ni Lysa sa mga mapanghusgang tao sa Cervantes, lalo na kay Karen.
               Revenge din ni Noel Crisostomo (Joseph) sa nanay nya na si Karen.

Katotohanan. Si Atong, isang witness sa pagpatay kay Mr. Sandejas, tinago ng anim na taon ang nalalaman. Sa huli, sinabi nya din ito nang hinanap na sya nina Sev and Lysa.

Destiny. Kung para talaga kayo sa isa't isa kahit anong mangyari in between kayo pa din ang magkakatuluyan sa huli.

Marami pa siguro akong points na madadagdag pero I'll leave it to that kasi magulo akong magkwento hehe. :) Ito ata ang pinaka-unang teleserye na ginawan ko ng review.

Overall, the story was perfect. Worth watching. Nakakakilig pa!

Congratulations sa lahat ng casts. Lalo na kayna Denise Laurel, Martin del Rosario, Lemuel Pelayo, Yen Santos, at marami pang iba. :)

Sana may susunod pa silang magaganda and worth watching teleseryes. :)

P.S. I am deeply inlove with the Theme song Nag-iisang Ikaw sang by Christian Bautista. :)
Saw this pic thru google. Ang cute! haha! :)

No comments:

Post a Comment