Buong araw ako naghanap ng moment na magkaroon ng mood magsulat at eto na yun. Sa sobrang tamad ko ngayong araw puro cup noodles lang kinain ko. Diet na din. Ewan ko ba, I feel useless today. Bihira akong ganito kaya hindi ako ganun kasanay. Ewan ko ba, minsan nagse-self pity ako na hindi ko maintindihan. Hehe. Pero wala yun, masaya pa din naman ako sa buhay ko at wala naman dahilan para maging malungkot. Kanina kasi may pinapagawa sa akin na kailangan kong hagilapin sa net. Ginawa ko naman pero alam mo yung mga pagkakataong ok na sana kaso biglang nagloloko ang connection ng internet. Badtrip diba?.. Naranasan ko na din ang pagkakataon na yan kahapon, kung kelan kailangan ko na kunan ng picture ang isang bagay, saka pa hindi gumana ang camera. Fail lang.
Anyway, yun nga. Sisisihin ko ba ang internet connection. Wala naman akong ibang source eh. Wala namang library dito sa bahay. Tsaka napaka-urgent nung request. So, hindi ko nga nagawa. Kainis lang. Babawi na lang ako.
Gusto ko gumala, wala naman akong pera. Pag may pera naman ayoko namang gumastos. Weird huh. Buti nga may blog at may mapagtutuunan ako ng pansin. Oh, saka pa bumilis ang net nung di na gaanong importante ang ginagawa ko. Sabi nga nila, ang failure ay parte ng buhay pero kailangan di mo na mauulit yon. Learn from your mistakes. So mistake ang pagbili ng smart bro? Hehehe... Gulo ko.
Ang dami kong gustong isulat dito sa blog pero sa dami ng nasa isip ko hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Hindi ko kasi trip yung magsusulat ng bullet form kasi lalo akong tatamarin magsulat. Gusto ko yung natural lang. Yung nanyari kahapon, sa next blog ko na lang isusulat. hehe. :)
END.
No comments:
Post a Comment