Pages

Sunday, 19 August 2012

Good Vibes

Nakaramdam ako ng bad vibes, pero tinatapalan ko agad ito ng good vibes para hindi tumagal. Try mo, it will make you feel better.Yung bad vibes mo, dedmahin mo lang tapos find anything that can cheer you up. Ganun talaga ang buhay, natural yun. Sometimes you're up, sometimes you're down. Kadalasan, pag di mo nakukuha ang gusto mo makukuha mo ito sa perfect na paraan at panahon. Live your life one step at a time. Wag masyadong mag-rush.

Yan ang isang malaking bagay na natutunan ko sa buhay. Hindi mo naman kailangan i-entertain lahat ng bad vibes na mae-encounter mo, dahil hindi mo ba napapansin na kapag na-entertain mo to, in the end maiisip mo din na nagsayang ka lang pala ng oras dahil you could've been positive in the first place, na wala pa lang naidulot kundi sakit sa ulo pa ang nagawa mo, na sana hindi mo na lang ginawa yun.

Kahit anong klaseng bad vibes pa yan, always remember that hindi ka nag-iisa. Una, lahat ng tao nararanasan yan. Pangalawa, hindi ka papabayaan ng Diyos. Yun ang pinaka-importante.

Nagpapasalamat nga ako dahil at some point in time na-realize ko lahat ng ito kaya kahit gaano kabigat ng mga pagsubok ay nakakayanan ko pa din. Then, kapag naso-solve naman yung mga pagsubok na yun, dun ko nasasabi sa sarili ko na "Tiwala lang ang kailangan. Hindi ako pinabayaan ni Lord." =)

May tip pa ako, pag nagdududa ka sa isang bagay or sinasabi ng utak mo na "Baka hindi pwede.. baka ayaw.. baka ganito ganyan.." na puro negative, ang gagawin mo ay takpan mo ito ng "Magagawa ko ito.. Kaya to.. Matatapos ko yan.. Kaya yan.. " na puro positive and wag na wag mong hayaang makalusot pa yung mga negative thoughts.

Napapansin ko kasi na everytime na nakakaisip ako ng negative thoughts, mas negative yung mga nanyayari.

Eto pa, "Pag para sayo, para sayo." Pag hindi, hindi talaga pero makakatanggap ka pa din ng something na mas higit pa dito. :)

Gets?
Sana nakatulong. At sana naintindihan nyo. hehe. :)

END.

No comments:

Post a Comment