Pages

Sunday, 26 August 2012

Useless

     Buong araw ako naghanap ng moment na magkaroon ng mood magsulat at eto na yun. Sa sobrang tamad ko ngayong araw puro cup noodles lang kinain ko. Diet na din. Ewan ko ba, I feel useless today. Bihira akong ganito kaya hindi ako ganun kasanay. Ewan ko ba, minsan nagse-self pity ako na hindi ko maintindihan. Hehe. Pero wala yun, masaya pa din naman ako sa buhay ko at wala naman dahilan para maging malungkot. Kanina kasi may pinapagawa sa akin na kailangan kong hagilapin sa net. Ginawa ko naman pero alam mo yung mga pagkakataong ok na sana kaso biglang nagloloko ang connection ng internet. Badtrip diba?.. Naranasan ko na din ang pagkakataon na yan kahapon, kung kelan kailangan ko na kunan ng picture ang isang bagay, saka pa hindi gumana ang camera. Fail lang.

     Anyway, yun nga. Sisisihin ko ba ang internet connection. Wala naman akong ibang source eh. Wala namang library dito sa bahay. Tsaka napaka-urgent nung request. So, hindi ko nga nagawa. Kainis lang. Babawi na lang ako.

     Gusto ko gumala, wala naman akong pera. Pag may pera naman ayoko namang gumastos. Weird huh. Buti nga may blog at may mapagtutuunan ako ng pansin. Oh, saka pa bumilis ang net nung di na gaanong importante ang ginagawa ko. Sabi nga nila, ang failure ay parte ng buhay pero kailangan di mo na mauulit yon. Learn from your mistakes. So mistake ang pagbili ng smart bro? Hehehe... Gulo ko.

     Ang dami kong gustong isulat dito sa blog pero sa dami ng nasa isip ko hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Hindi ko kasi trip yung magsusulat ng bullet form kasi lalo akong tatamarin magsulat. Gusto ko yung natural lang. Yung nanyari kahapon, sa next blog ko na lang isusulat. hehe. :)

END.

Sunday, 19 August 2012

Good Vibes

Nakaramdam ako ng bad vibes, pero tinatapalan ko agad ito ng good vibes para hindi tumagal. Try mo, it will make you feel better.Yung bad vibes mo, dedmahin mo lang tapos find anything that can cheer you up. Ganun talaga ang buhay, natural yun. Sometimes you're up, sometimes you're down. Kadalasan, pag di mo nakukuha ang gusto mo makukuha mo ito sa perfect na paraan at panahon. Live your life one step at a time. Wag masyadong mag-rush.

Yan ang isang malaking bagay na natutunan ko sa buhay. Hindi mo naman kailangan i-entertain lahat ng bad vibes na mae-encounter mo, dahil hindi mo ba napapansin na kapag na-entertain mo to, in the end maiisip mo din na nagsayang ka lang pala ng oras dahil you could've been positive in the first place, na wala pa lang naidulot kundi sakit sa ulo pa ang nagawa mo, na sana hindi mo na lang ginawa yun.

Kahit anong klaseng bad vibes pa yan, always remember that hindi ka nag-iisa. Una, lahat ng tao nararanasan yan. Pangalawa, hindi ka papabayaan ng Diyos. Yun ang pinaka-importante.

Nagpapasalamat nga ako dahil at some point in time na-realize ko lahat ng ito kaya kahit gaano kabigat ng mga pagsubok ay nakakayanan ko pa din. Then, kapag naso-solve naman yung mga pagsubok na yun, dun ko nasasabi sa sarili ko na "Tiwala lang ang kailangan. Hindi ako pinabayaan ni Lord." =)

May tip pa ako, pag nagdududa ka sa isang bagay or sinasabi ng utak mo na "Baka hindi pwede.. baka ayaw.. baka ganito ganyan.." na puro negative, ang gagawin mo ay takpan mo ito ng "Magagawa ko ito.. Kaya to.. Matatapos ko yan.. Kaya yan.. " na puro positive and wag na wag mong hayaang makalusot pa yung mga negative thoughts.

Napapansin ko kasi na everytime na nakakaisip ako ng negative thoughts, mas negative yung mga nanyayari.

Eto pa, "Pag para sayo, para sayo." Pag hindi, hindi talaga pero makakatanggap ka pa din ng something na mas higit pa dito. :)

Gets?
Sana nakatulong. At sana naintindihan nyo. hehe. :)

END.

Who's this?

     Dahil wala akong maisip i-blog sa mga nakalipas na buwan eto nanaman ako at nagbabalik. Naging busy kasi ako sa mga coverages at bina-blog ko sa www.jmpofficial.blogspot.com.. English kasi kaya nosebleed ako. Haha, Ano bang iku-kwento ko... Hmmm..

   Una sa lahat, I'm broke. Wala nang ka-money money. Bigyan nyo naman ako. Haha. Siguro kaya ko naisipan magblog para malabas ko yung mga nararamdaman ko ngayon. Ang dami na nangyari at yung iba tingnan nyo na lang sa website na binanggit ko.

   Naalala ko lang. Nagtext si BESTFRIEND (KUNO!) sa akin a month ago ata yun via GOSMS, alam mo yung feeling na gusto mo na sya patawarin sa ginawa nya dahil kaibigan mo sya pero hindi mo magawa kasi sobrang below the belt na yung mga ginawa nya sayo na pati pagkatao mo parang nilublob sa putik. Pati buhay ko nasira dahil sa kanya. ALAM NYO YUN??? Hindi ko matanggap yung kakitiran ng utak nya. Ay sorry, hindi ko na pala sya BESTFRIEND noh! Pag bestfriend mo, kakausapin mo ng masinsinan hindi yung nagpapaka-plastik ka sa harapan nya na kunwari makikipag-usap ka na PERO madami na ka na palang nagawa sa likod nya. Hindi nya siguro maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng CONFIRMATION. Di man lang ni-confirm sa akin kung tama ang naririnig nya sa paligid nya. CHISMIS! Hindi nya rin maintindihan na ang isang tsismis ay may dagdag at may bawas. Para kang nag-message relay ng isang paragraph at sampu kayo pagdating sa dulo, isang sentence na lang mali mali pa ang info. Hindi nya yun maintindihan kaya ganun kakitid ang utak nya. Kunsabagay, nung una inintindi ko sya dahil baka late bloomer lang, bata pa kasi hindi pa ganun kalawak ang pag-iisip. Pero na-realize ko na, bakit ba ako nagsasayang ng oras sa ganitong tao..  dahil sa mga ginawa nya (although hindi sya gumawa dahil sa mga "sumbong" nya na wala namang proof) hindi ko na sya kayang kausapin pa. Sobra na sya ha.

     Anyway, ayun. Nalabas ko na sama ng loob ko. Ilang beses na sya nagtext sa akin pero sagot ko "Who This?".. Oo, kilala ko sya sa pangalan pero hindi ko na kilala ang pagkatao nya..(baka di nya pa magets yun) XD

END.