Pages

Sunday, 1 December 2013

Narrow-minded people suck

Hi. The time right now is 6:48pm.. December 1, 2013.

Ita-taglish ko para mabilis. Kung mababasa mo to ngayon, gabi ng December 1 ko ito sinulat.

Punung puno na ako. Bakit ganun? To start the story. Let me tell you about our kasambahay. I already had a blog about this a few months back but I am having another problem with a different person at dalawang tao po ito. Nakakainis, parang kami pa may kasalanan. Bakit? Ganito kasi yun.

Una sa lahat, yung mag-ina. Majority siguro ng mga amo hindi tatangap ng katulong na mag-ina diba?  Pero kami tinanggap namin dahil naawa kami at malapit naman sila samin. Mag-aasikaso sa gawaing bahay pero dahil nga may anak sya, hati ang atensyon nya.

Okay naman sila nung una nilang dating dito.. pero kalaunan, uncontrolled na yung iyak ng anak nya. Iiyak mga 5am.. so nagising na ako nun. Pagkatapos hindi na ako makatulog sa kakaiyak nya na parang sirena. so maya maya tumigil din.. after ilang hours iyak nanaman. halos every hour umiiyak sya ng walang dahilan. Nagrereklamo na din yung mga kapitbahay kasi hindi daw sila makatulog kasi aga aga ang lakas ng iyak. Nakakarindi.

Siguro nagtataka kayo bakit hindi sya dinidisiplina ng nanay nya. Ako ha, sa totoo lang, hindi mo naman kailangan saktan ang bata. Wag mo lag sundin yung gusto nya. Wag mo sya gawing SPOILED. Kesyo ayaw nya daw ng ganun kasi bata lang daw naman yun at hindi pa daw alam ng bata yung ganun. 2 years old hindi pa alam sumunod? Eh kaya na nga mag ABC, 123 at kaya nya na din sabihin ang pangalan nya, kung saan sya nakatira at kung ilang taon na sya. Simpleng pagsunod lang sa nanay na wag maingay di nya magawa? Sorry to say, pero buti pa nga yung aso nate-train ng discipline, pero sya hindi.

Naaawa ako sa nanay nya. Magsisisi sya balang araw na hindi nya dinisiplina ang anak nya. Sa totoo lang, ganitong ganito na din ang naging problema sa kanila nung family bago kami kasi kakilala din namin yun. Tinanggap lang namin sila ulit kasi I believe in second chances. Lahat ng tao dapat naman bigyan ng second chance diba?.. So I did pero napuno na talaga ako.

Dahil nga masyado na syang pre-occupied sa mga bagay bagay nahihirapan na syang hatiin ang work nya sa bahay at sa anak nya. Parang wala na din nagagawa sa bahay kasi ang dumi dumi na.. Kinausap namin sya kasi nga bakit pa kami magpapasweldo kung wala naman nangyayari. Tsaka libre naman lahat, upa, pagkain, etc tapos kasama pa nga anak nya. So naging desisyon na lang na hindi na sya susweldo. Tapos gusto nya magtinda so pinagbigyan namin.

Una nagtinda sya ng ice tubig at ice candy. So dahil dun ginamit nya ref namin. Kalaunan sa dami ng yelo sa chiller, nasira na yung takip ng chiller. so pag open mo ng ref namin, walang takip yung chiller.
-___- Dahil dun tinigil nya na yung pagbenta ng ice tubig at ice candy. Dahil sabi na din namin na tama na kasi nasira na nga yung chiller. Wala syang sinabi dun ha. Never man lang sya nagsorry dahil nasira yung chiller. Sya lang naman gumamit nun kasi bihira lang naman kami gumamit. Never din nya binayaran.

Next yung electric stove. Mula nun sya na gumagamit. Nalaman ko na lang na nangangamoy na pala. So takot na silang gamitin yun kasi nga nangangamoy baka ano na. Sumunod yung screen door namin. Tumabingi na kasi lagi nila iniipitan ng kahoy para magstay lang na nakaopen. Nasira na din kasi nila yung parang bakal sa pinto. kaya ayaw na magstretch at bumalik.

Then after a week or two, nagdecide sya magtinda at magkaron ng pwesto sa gate ng compound namin. So pinayagan naman namin sya. Okay naman, 2-3 days. Pero ayun nga dahil iyak ng iyak yung anak nya, hirap na hirap syang asikasuhin yung tindahan nya. Pati yung isang katulong namin na sinuswelduhan kasama sa pagtulong sa kanya dun eh hindi naman dapat. Tapos habang super busy sya biglang magpapapansin tong anak nya, so iyak nanaman ng iyak. Iritable nanaman sya. Tapos pag may sisigaw na may bibili inis na inis sya. Bakit pa sya nagtinda kung ganun? Tapos sinasabi nya lagi sa akin na gusto nya magdagdag ng tinda kung anu-ano.

Kami pa ba may kasalanan ngayon? Kami ang nakatira dito pero parang kami pa may kasalanan na nakakaabala sila ng tao. Kami na nga nahihiya sa ibang kapitbahay kasi syempre dito galing ang ingay. Nasabi ko na concerns ko. Kanina pa ako nangigigil. Masyadong makitid utak nila.

Yung pangalawa ayun nakisabay na din. Yun may sweldo yun. On time naman lagi sweldo nya kaya walang problema. Kaso nakisabay pa dun sa isa. Pareho lang sila makitid utak. Naririndi talaga ako.

Tapusin ko na nga tong blog na to. END.

2 comments:

  1. Replies
    1. already did. :D problem is they are staying beside our unit. -__-

      Delete