Pages

Tuesday, 26 November 2013

Where will the relief goods go?

     Sabi sa news by December ihihinto na daw ng DSWD ang pagdistribute ng mga relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda. According to them, gusto daw nila na matuto ang mga tao dun na tumayo sa sarili nilang mga paa.

     If that's so, saan mapupunta yung mga natirang mga relief goods na hindi nabigay?

     Nakakapangduda lang. Saan nila dadalhin yun kung hindi lang din naman nila ididistribute?

     Weird lang. Tsaka madami pang lugar lalo na yung mga looban na barangay na hindi pa napapasok at napapadalhan ng mga relief goods.

     Sayang naman kung ganun. Sana wag nilang sayangin yung mga efforts ng mga tao na nagdonate. At wag na wag naman sana nila ibulsa.

     Tapos ayaw pala ng DSWD na may mga private individuals na namimigay ng relief goods dun sa Tacloban kasi daw kailangan yung mga tulong dumaan muna sa kanila. Yung truck ng relief goods dumadaan sa kalsada, may nagmamakaawa na makahingi ng makakain, HINDI YUN MAIBIBIGAY SA NAGMAMAKAAWA DAHIL KAILANGAN PA MUNA DUMAAN YUNG RELIEF GOODS SA DSWD. Tingnan mo nga naman yan tapos eto mababalitaan mong ihihinto na nila ang pagbibigay ng relief goods.

      Lahat ng nagdonate ay umaasang mapupunta lahat ito sa mga survivors ng Typhoon Yolanda. Kaya sana yung mga nagiging tulay sa pag-distribute, ayusin nila trabaho nila.

No comments:

Post a Comment