Pages

Wednesday, 21 November 2012

Prayer


I remember someone who used to be my best friend 1 year ago. Wagas sa kakulitan kung makapag-invite sa Church nila syempre para mag-praise and worship. Ok lang naman yun sa akin kahit sobrang kulit na nya. Pero nalaman kong nilaglag nya ako at siniraan sa iba. Tinapakan pa pagkatao ko. Wagas pa kung makapang husga.

I thought people were called by the Church for the betterment of one's self? Bakit ganun nanyari sa kanya? Super attached pa nga sya dun and lagi akong nireremind every saturday na sumama sa kanya. I thought she was that humble and spiritually nourished. pero bakit ganun?

Kaya para sa akin, what is important is what's inside your heart. Importante yung pagiging totoo sa sarili. Hindi yung pakitang tao lang. Ang mahalaga ay ang relationship nyo dalawa ni God.

I'm not that very familiar with the Bible verses but I remember this verse about prayer.

But when you pray, go into your room, close the door and pray to your Father, who is unseen. Then your Father, who sees what is done in secret, will reward you. - Matthew 6:6

Wednesday, 14 November 2012

"AMALAYER" Trends Worldwide

First of all, I would like to inform the readers that whatever I post here is my opinion.

It was yesterday when I saw a video on Facebook gaining thousands of comments and shares. I watched it and to my dismay, I saw a college girl yelling at a lady guard. It happened in the Santolan LRT Station. (I used to ride the train in that station upon going to school last year.)
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko pero nadismaya talaga ako sa naging asta nya. Okay, some said let's also understand that maybe the lady guard had done something wrong too pero that doesn't mean na magre-react na sya ng ganyan in PUBLIC. Where is her Good Manners and Right Conduct?.. Ang lakas pa ng loob nyang sabihin na "ATE MAY PINAG-ARALAN AKO" pero sa ginawa pa lang nya, wala na eh.

Alam nyo ba kung ano ang asta ng may pinag-aralan? Okay, ganito. Example, tinulak ka man ng guard or something, pwede mo naman sya kausapin ng mahinahon or you can talk to her in a private place. You can teach a person a lesson just by talking to him/her with respect. Pero yelling in public? Why? You're seeking attention?.. I don't see her point. Yes, may kanya kanya tayong reactions or instincts or whatever pero hindi ba tinuturo sa atin ang GOOD MANNERS? Hindi nya ba natutunan yun?

RESPECT BEGETS RESPECT.
Imagine mo na lang, ginawa yan sa mother mo or just simply exchange places with the lady guard? Di ba you will feel bad din?.. Kahit pa sino sa kanila ang tama, kahit pa sino ang mali, wala na dapat nanyaring pagsisigaw. It was simply an act of immaturity. Siguro madami pa akong masasabing negative kung anong klase yung ginawa nya pero I want Love to rise above the Hate. I just want to explain my opinion.

TRENDING
Trending sa Pilipinas. Trending WORLDWIDE ang #AMALAYER ni Paula. Oh, BTW, her name is Paula Jamie Salvosa, a student of La Consolacion College. She also auditioned for Myx VJ Search.
Another thing, bakit kailangan mo pa mag English dun eh nasa Pilipinas ka ate?.. Ganun na ba kataas ang tingin mo sa sarili mo at hindi ka marunong mag-level ng pananalita mo sa kausap mo?

Eto nga pala si ate Lady Guard..
Ayoko na pahabain pa to dahil I have already stated my point. We can say that "Tao lang nagkakamali din" but do you think she did not yell on purpose? Dapat kasi aware tayo sa mga ginagawa natin, dapat aware tayo sa GOOD MANNERS natin. Prove that you really are educated. :)

Ikaw na nagbabasa nito? Anong opinion mo?
Feel free to comment.

Friday, 9 November 2012

Ann Mercado Photography

A few days ago I created my own Photography Page on Facebook. I just want to share my works with other people. :) Here are just some of the photos that I uploaded there..





You can LIKE my page HERE

Thank you :)

Sunday, 4 November 2012

Pintada Finale

Sinong nakapanood ng finale ng Pintada?

I have watched this Teleserye from middle to the end. I realized na ang ganda ng story. Ang galing pa ng mga artista. I'm not really a fan of teleseryes because as a child pinagbabawalan akong manood ng parents ko. I don't know, baka they just don't like dramatic shows. Pero nung sinimulan ko na manood I got hooked. Hindi lahat ng mga teleserye pinapanood ko, kadalasan pag hindi ko type, I stop watching.

Katarungan. Si Lysa Alvarez ay nakulong ng anim na taon dahil sa isang bagay na hindi nya naman ginawa, ang patayin si Mr. Sandejas. Tapos kagagawan pala yun ni Karen witnessed by Mommy Carolina. Natapos sa pagkakakulong ni Karen at Mommy Carolina.

Love Triangle. Sev, Lysa, Noel. Love triangle na nauwi sa pagkakatuluyan ni Sev and Lysa. Pero syempre ang dami pa nilang pinagdaanan at sa huli, kasal din ang pagtatapos. :)

Kapatid. Sa dami ng pagsubok ng buhay nagawa ni Lysa na bawiin ang tiwala ng kanyang mga kapatid at nagawa rin nyang bawiin ang mga ito kay Karen. Magkakapatid din pala sina Sev, Julian at Noel. (tama ba?)

Pag move on. Hindi ko alam kung anong masasabi ko pero feel ko sa huli nag move on naman si Samantha. Hehehe.

Revenge. Revenge ni Lysa sa mga mapanghusgang tao sa Cervantes, lalo na kay Karen.
               Revenge din ni Noel Crisostomo (Joseph) sa nanay nya na si Karen.

Katotohanan. Si Atong, isang witness sa pagpatay kay Mr. Sandejas, tinago ng anim na taon ang nalalaman. Sa huli, sinabi nya din ito nang hinanap na sya nina Sev and Lysa.

Destiny. Kung para talaga kayo sa isa't isa kahit anong mangyari in between kayo pa din ang magkakatuluyan sa huli.

Marami pa siguro akong points na madadagdag pero I'll leave it to that kasi magulo akong magkwento hehe. :) Ito ata ang pinaka-unang teleserye na ginawan ko ng review.

Overall, the story was perfect. Worth watching. Nakakakilig pa!

Congratulations sa lahat ng casts. Lalo na kayna Denise Laurel, Martin del Rosario, Lemuel Pelayo, Yen Santos, at marami pang iba. :)

Sana may susunod pa silang magaganda and worth watching teleseryes. :)

P.S. I am deeply inlove with the Theme song Nag-iisang Ikaw sang by Christian Bautista. :)
Saw this pic thru google. Ang cute! haha! :)