Pages

Sunday, 25 December 2011

Love Love Love

     Okay, hmmm, may party mamaya at di ko alam kung may videoke o wala. badtrip naman oh. Ikaw ba naman mabuhay sa paligid ng mga Kill Joy. Alam mo yun?.. Pwede naman maging madali ang buhay eh, di ko alam kung bakit pinapahirapan nila ang sarili nila.
     Hahay, puro na lang ako "hahay".. Wala na bang ibang word na mas magpapa-emphasize ng nararamdaman ko ngayon. Okay ako na madada mula kahapon. Wala lang ako kausap kaya pagtatyagaan ko na lang kausapin itong blog na ito. Dito ko na ibubuhos lahat ng nararamdaman at naiisip ko. Mula ngayon araw araw na to may entry. Kailangan? Hindi naman. Dahil yun lang talaga ang gusto kong gawin. Magsulat ng magsulat. Alam ko minsan wala na itong sense at medyo karamihan bitterness pero wag kayong mag-alala dahil hindi naman lahat ng posts dito bitter tulad na lang ng mga english posts ko. Haha. Talagang tinamad lang ako mag-english dahil masyadong limited ang mga nasasabi ko. Naiinggit lang ako sa ibang mga blogs na nakakapag-blog ng marami at araw araw dahil tagalog ang blog nila. Nasasabi nila lahat ng gusto nilang sabihihin dahil sulat lang sila ng sulat. Ako naman, pag english eh kailangan ko pa magformulate ng isang magandang sentence na tama ang grammar.

     Madada na kung madada. Madaldal ako ngayon. Magbasa na lang kayo. Haha. Teka wala akong topic.

     Topic: Love?

     Oh, love nanaman ba. Talagang ganun lang talaga kasi ang buhay, pagdating sa love love na yan eh. Hindi lahat ng tao sa paligid mo tatanggapin ka. Pero kagabi lang naisip ko na yung mga taong bitter dati eh magbabago din pala. Kaya pala sila bitter eh dahil hindi ka nila naiintindihan. May mga taong nagiging bitter dahil hindi nila alam ang tunay na nangyayari sa buhay mo at wala silang interest na pakinggan ang side mo. Naku napaka-bitter ng ganun ah. Pero meron din mga tao na willing din naman pakinggan ang side mo at ayun PAK! naintindihan na nila. Oh diba, effective ang maayos na komunikasyon. Haha!,, Akala ng ibang tao eh nanloloko ka, or niloloko ka pero kahit alam mo sa sarili mo na tama ka at totoo ka ipaglalaban mo ito.

     Yun lang. Buti na lang medyo nagiging ok na ang lahat. Sana lang pati sa family ko. Yun na lang ang hinihiling ko kay Lord eh yung maging malaya ako. Yun na ang magiging best Xmas gift ko ngayong taon.

No comments:

Post a Comment