A 45k secondhand car. Dyan kami nagsimula. I can still remember the first time we bought a car. Kung saang sulok kami ng maynila napunta para makahanap ng sasakyan na pasok sa budget namin. May 15 nun, birthday ko, mag tatatlong taon na ang nakalipas. Wala pa akong pang handa. Hindi pa kami nakakabili dahil wala nga kaming sasakyan. Kasama ko ang hubby ko at pumunta kami sa isang garahe somewhere in Quezon City. Ang init init. Halos hindi na nga ako makahinga sa sobrang init ng panahon.
Pagdating namin sa garahe nakita namin ang isang gray na box type at isang green na boxtype din na sasakyan. Mas nagustuhan namin yung gray. Makinis. Ang ayos ng itsura. Syempre hindi naman kami mag eexpect ng magandang maganda dahil maliit nga lang ang budget namin.
Tinest drive namin yon at ok naman ang naging resulta. Ang pagkakamali lang namin, hindi kami ang nag test drive kundi yung may-ari.
Dahil akala namin ay ok na, binili na namin ito.
Nakaalis na kami ng garaheng yon. Pagdating namin ng congressional avenue eh biglang tumirik ang sinasakyan namin. Tanghaling tapat. Nasa tapat kami ng Shell. Mabuti nga eh nasa may shell kami di gaanong nakaabala sa ibang sasakyan. Tumawag kami ng mekanino. Pagkalipas ng 30 minuto na umabot na ata ng isang oras, umandar uli ang sasakyan.
Ok na!!! Sa wakas! Pero yun ang inakala ko.
Pag-ikot namin, wala pa ang limang minuto, tumirik nanaman. Hindi ko na nga maalala yung starter ba yung sira o yung battery. Basta ayaw magstart.
Gusto namin ibalik yung pera pero hindi na pwede. Naibayad na raw para sa ibang unit sabi nung may-ari. (agad agad?)
Anyway, so naitabi namin yung sasakyan, at humingi kami ng tulong dun sa nabilhan namin. Siguro mga dalawang oras kaming naghintay dun, tirik na tirik ang araw. Nang dumating na ang tulong, bumalik kami doon sa garahe para pag usapan ang nangyari.
Doon namin napag isipan na yung green na lang ang kukunin, bawasan na lang ng konti yung naibayad namin. Pumayag naman yung may-ari at sa awa ng Diyos, hindi na tumirik yung sasakyan na yun.
Yan yung sasakyan na nasa picture.
Dyan kami nagsimula. Kaya memorable sa akin ang sasakyan na yan. :)