Tagalog mode. Para naman hindi paulit ulit ang english dito sa blog ko. At para masaya hahaha. :D
Anyway, una sa lahat naninibago ako dahil for the first time sa blog na ito ay nagtatagalog ako. Sa mga scripts lang naman ata ako nasanay magtagalog. Since nasimulan ko na sige pagpapatuloy ko na lang. Alam nyo yung nakakainis? May mga tao talagang makikialam sa buhay mo kahit hindi mo kaanu-ano. Masasabi mo na lang, SINO BA SILA?.. May karapatan ba silang makialam? Wala naman eh. Ok lang naman sana maging concerned pero ayusin naman sana ang pagka-concerned. Pwede mo naman suportahan ang tao sa kung saan sya masaya at hindi yung idi-discouurage mo pa sya. Wag mo naman alisin ang kasiyahan ng isang tao. Ngayon na lang nga sya naging masaya sa buhay nya tapos kokontrahin mo pa.
Pero ok na yun. Sabi nga sa kasabihan diba, "You can't please everybody." Pero talagang minsan nakakainis lang yung mga ganun tapos makakasalubong mo ang sama pa ng tingin sayo,, badtrip eh. Less talk, less mistakes nga eh diba. So sana mag shut up na lang sila.
Lahat tayo may karapatang magmahal. Wala na sana kokontra dun. Hahay, sabi ko nga lagi sa sarili ko, THINK POSITIVE. So, ok na yun. Hayaan ko na lang sila. :) Wala namang mangyayari sa akin dahil alam kong ako ang tama. Thank you na lang sa concern. Haha. :P